"Gray," mahinang sambit ko sa sarili nanag makaharap ko ang napakapamilyar niyang itsura. Pakiramdam ko ay parang napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw dahil sa samut-saring emosyong na nararamdaman ko ngayon. Maging siya ay mukhang hindi rin inaasahan na makita ako at nakatingin lang sa akin. "Hoy! Yumuko ka!" narinig kong bulong ni Julianne sa akin at pilit akong pinapayuko. Ilang beses akong napakurap at agad na yumuko. "Good morning," magalang na bati ko sa kanilang lahat. "Good morning," narinig kong bati ng ilan sa kanila. Umayos na ng tayo si Julianne habang ako ay nagtatalo pa rin sa isip ko kung ano ang gagawin ko. Nararamdaman ko ang panlalamig ng mga kamay at paa ko at ang panginginig ng mga iyon. 'Bakit ngayon pa kung saan okay na ako?' matigas ak

