"There was never a deal in the first place," mariing sabi ko and looked at him with so much hatred. Sinigurado ko na makikita niya sa mga mata ko na kinasusuklaman ko siya at kahit anong gawin niya ay hindi ko siya mapapatawad. Tumalikod na ako at akmang hahawakan ang seradura nang pinto nang bigla siyang magsalita. "I'm coming with you," pinal na sabi niya. Malakas akong napasinghap nang lingunin ko ang direksyon niya at nakitang nakatayo na siya sa tabi ko. 'What the hell? Ang bilis naman niya! Kanina nasa mesa pa niya siya ngayon nasa tabi ko na. Don't tell me vampire na siya ngayon' natatawang sabi ko sa isip. "What? No!" mariing sabi ko nang matauan. Agad kong hinawakan ang seradura ng pinto para sana lumabas nang maunahan niya ako. "I'm coming with you," mariing s

