Astrid's Pov "Sasama ako sa photoshoot mo mamaya." Nakangiting sinabi ko kay Flash habang naglalakad kami papunta sa studio ng photography club. With so much confusion in his chinky eyes he stared at me that made me stop walking as well. "Bakit? Nagagandahan ka na naman ba sa 'kin?" I blantly ask making him smile. Bahagya n'yang ginulo ang buhok ko na hinayaan ko na lang rin, nasanay na 'kong ginagawa n'ya 'yon. "Hindi ba't may racing si Tito Aerom mamaya? Halos kasabay 'yon ng sa pupuntahan kong photoshoot." My lips formed into 'o' at that. Napatango-tango ako saka ulit umiling sa kanya. "Hindi na lang ako manunuod ng racing ni Dad mamaya, I mean I have watched him raced for all my life tho but I haven't watch you work. Besides naro'n rin naman si Mommy, si Kuya rin hindi makakap

