Astrid's Pov Alas-singko pa lang ng umaga, madilim pa sa paligid at talagang napaka-lamig pa in short ay napaka-sarap pang matulog ng isa-isa na kaming ginising ni Ms. Rivera. Pagkatapos naming makapag-ayos ng sarili ay dumiretso ang grupo namin nina Pim sa kusina, kami ang nakatoka na magluluto ng agahan ngayon. "Mag-saing na lang tayo, ta's magprito ng itlog." Suhestyon ng isa naming kaklase na mariing tinutulan ng iba pa, lampasa dalawang daan kaming narito sa retreat masyado 'yong matrabaho bukod sa may hinahabol kaming oras ay wala ring maalam sa grupo namin na magsaing ng kanin para sa gano'ng bilang ng hindi kami papalpak. "Eh kung magluto na kasi tayo di ba? Para hindi sayang 'yong aras." Masungit na sinabi ni Leslie. "Wala pa tayong gagamitin na panggatong, kumukuha pa 'yon

