~Hamida's Point of View~
Nawala na sa akin ang key card ko. Hindi na ako makakapasok sa lahat ng rooms dahil wala na akong access dito. Kailangan kong makuha ang key card kay Jackie. Si Jackie lang naman kasi ang alam kong gumagawa ng mga ganoon. Siya lang naman dito amg marunong mang-holdap, eh. Siya lang naman ang kinaiinisan ko.
Pero bago pala ang lahat, magpapakilala muna ako sa inyo.
Hi, I am Hamida. Ang real name ko talaga ay Leanne Sandiego, 7 years old na at isang accident prone. Napunta ako rito dahil sa pagkidnap sa akin ng kung sinuman. Tinanggap ko na ang school na ito bilang aking tahanan at ang mga tao dito bilang aking pamilya. Gusto kong makapagtapos dito dahil ang primary goal ko talaga ay ang makamit ang hustisya para sa namayapa kong pamilya. Sa pagkaalam ko kasi, nasa Endrilla ang mga taong gumawa noon sa kanila. Kasama ako sa Voodoo class kung saan kami nag-aaral ng mga pangkukulam, witchcraft, and whatever. They are teaching us how to be villains and I am willing to learn for that.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah." Nagawi ang paningin ko sa isang batang pa-spiral perm ang buhok at napakaputi ng kutis.
"Zelofina. What brings you here?" Iniabot ko sa kanya ang kalahating cake na binili ko sa canteen.
"Alam ko kasi na mahalaga ang key card sa mga taong nandito at isa ka na roon." Panimula niya. "Gusto ko sanang tulungan ka para mabawi iyon."
Umaliwalas ang aking mukha nang marinig ang mga sinabi niya. "Talaga? Pero kilala mo ba kung sino ang kumuha?"
"Si Jackie, iyon ang pangalang nabasa ko sa nameplate niya kahapon." Mabilis niyang naubos ang cake kaya siya naman ang kumuha sa natitira kong soda at ininom iyon.
"Si Jackie. Siya kasi yung pinakakinaiinisan kong tao dito dahil maraming beses na niya akong nabiktima sa pang-ho-holdap niya. Tsaka bully iyon. Magaling din siyang mag-isip ng plano kaya once na ginawa niya ang mission niya, talaga namang malinis at hindi mo mapagkakamalang siya ang may gawa." Mahaba kong introduction sa Jackie na iyon.
Napatangu-tango siya. "So, para makuha natin ang key card mo sa kanya, kailangan muna natin siyang imbestigahan."
"Magpatulong kaya tayo kina Slatorino tsaka Haji."
Umiling ako. "Hindi pwede kasi busy sila sa paggawa ng body cams at audio para sa mission natin sa Tuesday."
"Edi, kailan natin ma-i-imbestigahan si Jackie? Kailan natin makukuha sa kanya ang key card?"
Pumangalumbaba ako at humigop ng kaunting tubig. "Gawin nating part-time mission yung pagbawi ko sa key card at primary mission naman ang pag-i-imbestiga kay Ma'am Yula."
Napatingin ako sa orasan. Malapit na pala kaming pumasok. 9:50 kasi ang first class namin. Nagpaalam na ako sa kaniya at nagtungo na sa Dark Room na classroom namin. Unti pa lang naman kami kaya may panahon pa ako para reviewin ang Dark Spell (Primary) Lists namin. May quiz kasi kami ngayon at kung sinuman ang mag-excel, siya ang magiging Head Student sa Voodoo class.
"Psst." Nilingon ko si Tania na siyang sumitsit sa akin. "Pakopya ng notes. Hindi ko kasi nakopya yung pinakita ni Madam Ula."
Kinuha ko ang notebook sa bag ko at ibinigay iyon sa nakangiting Tania. Sinulat niya sa kanyang notebook ang notes na gagamitin para sa quiz mamaya at isinauli rin naman sa akin pagkatapos. Naghintay na lang kami ng kakaunting minuto bago dumating si Madam Ula.
Welcome Madam Ula, ang pinakamasamang mangkukulam sa buong Endrilla. Galing siya sa school ding ito at nung malaki na siya, pinadala na siya sa Endrilla para doon maghasik ng lagim. 56 years old na siya ngayon at kami naman ang kanyang mga tinuturuan.
Wala siyang sinabi o kaya bumati man sa amin at agad na pumunta sa harapan bago ilabas ang bola-bola niya. Doon kasi niya inilalagay lahat ng mga gagamitin niya sa klase niya.
"Tumayo na ang lahat nang makapagsimula na." Nakapikit niyang wika habang nakataas pa ang dalawang kamay.
Gusto ko mang matawa pero hindi pwede dahil baka maparusahan niya ako—
"Hamida." Muntik na akong mapatalon dahil narinig ko ang pangalan ko. "Binabalaan kita na huwag tumawa kung hindi mo gustong mabura sa mundong ito. "
Masyado siyang malalim magsalita. Parang sinaunang tao.
"Ang mga nasa aking kaliwa, kayo ang nasa unang grupo at ang mga nasa kanan, kayo ang nasa ikalawang grupo." Hinawi niya ang mga estudyante at pinaghati sa gitna.
Sinabayan namin ang kanyang kamay sa kung saan man pupunta. Kung gaano kabilis at kung saan ang direksyon. Sabay-sabay kaming napunta sa ikalawang grupo at naupo nang ibaba ni Madam Ula ang kamay at tumayo naman nang itaas niya ito. Medyo weird. Nang matapos na ang orasyon niya 'kuno' pinagharap na niya ang dalawang grupo. Walo ang miyembro ng bawat grupo at may mga hawak din kaming mga nota na pambara sa mga spells ng kalaban.
"Bago tayo magsimula, nais ko munang ipakilala sa inyo ang magiging hukom para sa pagsusulit."
Nagawi ang tingin naming lahat sa malaking kurtina sa likod niya kung saan lumabas ang nilalang na tinatawag niyang Bulgon. Isa lang naman siyang ordinaryong tao na makikita lang sa tabi-tabi. Basta tipikal na tao, ganun. Naka-t shirt, naka-pants, may relong suot at naka-Nike pa. Akala ko pa naman isang malaking halimaw, kaso nga lang naalala ko tao pala ang mga kalaban at hindi halimaw.
Umupo siya sa gitna bago humiga sa isang maliit na kama. Sinenyasan naman kami ni Madam Ula na palibutan siya na agad naman naming ginawa. Hinawakan namin ang mga notebook namin at binuksan sa Primary List ng Spells dahil iyon nga ang gagamitin namin para sa quiz. Ang kailangan lang daw gawin ay...
"Kung sinong grupo ang may pinakamagaling na kulam na ibibigay kay Bulgon ay siyang mananalo. Kailangan ninyong labanan ang kulam ng isa't isa nang maipanalo ang kulam na ibabato niyo sa hukom." Pagpapaliwanag niya habang nakadikit ang magkabilang palad sa bola-bola niya.
Unang nagbitaw ng mga salita ang unang grupo. Lumipas lamang ang ilang segundo at biglang nanigas ang kanina lang na nakahigang si Bulgon. Nangisay siya na parang may epilepsy bago sumuka ng dugo. Bigla kaming nakilabutan sa nakita at napaatras.
"Kailangan nasa team natin ang mapipiling Head Student." Bulong sa akin ni Tania.
Mabilis kong binuklat ang notebook ko at pinangunahan na ang orasyon. Sinenyasan ko sila na sumunod sa akin dahilan para mas lumakas ang pwersa namin. Biglang tumigil si Bulgon sa pagsuka ng dugo at maya-maya'y tumirik ang mata nito.
3...
2...
1...
"YES!" Napasigaw sa tuwa ang mga kagrupo ko nang makitang magkaroon ng hiwa ang iba't ibang parte ng katawan nito at nagsilabasan ang napakaraming dugo.
Bakas sa mukha niya ang paghihirap at parang isang orasyon na lang at babawian na ito ng buhay. Hindi tumigil ang unang grupo at nagdasal pa namg nagdasal pero noong malapit na itong tumigil sa paghinga, inagaw ng isa naming miyembro ang nota ng isa at kandilang hawak niya.
"Madaya po yung kabila. Ang usapan, eh notebook lang, bakit may kandila pa po?" Iniangat ni Josh ang kandila galing sa kabila at iniabot iyon kay Madam Ula.
Sinamaan sila ng tingin ni Madam at maya-maya pa'y iniangat na ang kamay hudyat na tapos na ang pagsusulit.
"Ayoko sa lahat ang nandaraya! Kailangan ninyong matutong lumaban ng manu-mano para sa ikabubuti ninyo! Kapag lumaban kayo ng hindi patas at pinapasobrahan ninyo ang pabor ng panahon sa inyo, babagsak din kayo!" Binasag ni Madam Ula ang vase sa harapan ng unang grupo dahilan para mag-ipun-ipon ito sa takot.
"Maupo na ang alaht maliban sa ikalawang grupo." Inaya niya kaming magtungo sa harapan at pumila ng maayos. Inilahad namin ang aming mga kamay sa kanya at hinintay na basahin ito.
Tuluy-tuloy lamang siya sa pagbasa hanggang sa mahinto siya sa aking harapan. Kinuha niya ang nanlalamig at naginginig kong kamay saka ito pinakatitigan ng mabuti.
"Karapea cyeo kharap" Iniangat niya ang tingin sa aking mga mata at saka ako nginitian.
Nang matapos ang pagbabasa niya sa mga palad namin, pinabalik na niya kami sa aming mga upuan. Sandali siyang nanahimik habang nagzusulat sa kanyang papel gamit ang bagwis ng isang ibon. Pagkatapos, tumayo na siya at binuklat iyon sa harapan namin bago basahin.
"Hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng pagsusulit ngunit namaraan ko naman ang karapat-dapat sa pwesto." Bumaba siya sa stage at lumapit sa akin bago ibigay ang kapirasong papel.
"Huwag na huwag mo iyang iwawala, Hamida. Ikaw ang tangi kong tagapagmana." Bulong niya sa akin.
Nagsiuwian na kaming lahat pagkatapos ng klase. Kakaunti lang ang oras ng pag-aaral namin hindi tulad ng sa Grey Hatters, Damana, at Sakrasa na halos buong araw, puro aral lang at napakahihirap pa ng topics. Pagpasok ko sa aking kwarto, agad kong binuksan ang papel na binigay niya sa akin.
'Bisyate Baceyy Kharap Kalanyah'
Napangiwi ako dahil hindi ko naintindihan ang nakasulat doon. Alam ko na galing ito sa salitang Bangla pero wala naman kasi iyon sa dictionary kung titingnan. Inirolyo ko na lamang ito ulit at itinago sa drawer ko. Lumabas ako ulit at inabangan ang break nung tatlo. Tiningnan ko ang orasan at nakitang 30 minutes pa bago ang labasan nila. Pinagmasdan ko muna ang mga tao hanggang sa may isang estudyante ang nakaagaw sa aking pansin. Isa siyang babaeng nakatirintas ang buhok at nakapulupot sa bunbunan nito. Mayroon siyang panyo sa leeg at may ballpen na nakaipit sa kaniyang tainga.
J.A.C.K.I.E
Iniwas ko muna ang tingin para hindi masyadong halata na sinusubaybayan ko ang bawat galaw niya. Kailangan kong maimb—
"HAHAHAHAHA!"
Nabulahaw ang buong canteen sa isang nakakapangilabot na halakhak. Agad akong tumayo at sinundan ang mga taong nagtatakbuhan. Okay, so killing time na ba?
Halos maduwal ako sa kinatatayuan ko nang makita ang duguang katawan ni Teacher Sol sa sahig, sa gitna pa rin ng Wide Plaza. Nakahiwalay ang dalawang braso nito at nakakalat ang ulo nito. Hindi pa rin tumitigil hanggang ngayon ang pagsirit ng dugo muka sa iba't ibang parte ng kanyang katawan lalo na sa parteng leeg. Si sir... Siya naman ang pinuntirya.
Inilibot ko ang mata hanggang sa makita ko ang hindi maipintang mukha ni Zelofina. Napatigin din ito sa gawi ko at dahan-dahang umatras para makapunta sa pwesto ko. Ganun din si Haji at Slatorino nang makita ako.
"New corpse, new case." Bulong ni Slatorino sabay type sa kanyang device.
Napatingin ako kay Jackie na parang wala lang sa kanya ang nangyayari, nakangisi pa nga. Parang sanay na sanay na siya sa mga ganitong bagay. Well, nagsimula lang naman ang mga pagpatay simula noong assignment day, noong nagbunutan kung saang vlasses kami mabibilang and after that day, doon na nga kami nakarinig ng sunod-sunod na pagbaril, pagputok ng bomba, and the latest one, the laugh. Dahil dito, maraming natakot na lumabas na estudyante kaya wala na masyadong lumalabas kapag gabi. Idagdag pa nga ang mga outsiders na galing sa Endrilla.
What if, inside job ang nangyari? Paano kung may isang teacher nanagpapanggap na tagarito kahit na taga-Endrilla talaga siya?
Sabay-sabay kaming umatras sa crowd bago tinungo ang favorite place namin, ang abandoned room. Naupo ako sa dulong bahagi ng sofa habang sa kabila naman si Zelofina. Naglagay na pala sila ng computer dito? Official na talaga ang aming breakout room.
"Who do you think did that?" Ani Haji habang kinakalikot ang baba sa pamamagitan ng ballpoint.
"Ang alam ko lang, nasa mid-50's na ang may gawa." Usal ko at hinimas-himas ang ulo ni Barbie.
"Basta nung narinig ko ang tawanan, nagkaroon na naman ng stampede." Saad ni Zelofina habang naka-dekwatro pa at may hawak na notebook. Sinilip ko kung ano ang sinusulat niya, yung mga nauna pala naming sinabi.
"Napakalaking pagkakamali sa killer ang pagtawa niya." Naagaw ng kanina pang nananahimik na Slatorino ang aming atensyon. "Thank you to his recorded voice. Malalaman natin kung saan siya nakatago at kung sino ang nasa likod nito."
End of Chapter 7