CHAPTER THIRTEEN

1287 Words
HAJI Tumakbo ako papunta sa department ng Sarkasa, doon kasi nanggaling ang ingay. Nakasalubong ko sa alley si Master na halatang papunta rin doon. "Lumiban muna ako sa klase," panimula nito at sumabay na sa akin. "Ano bang nangyari?!" nag-pa-panic niyang tanong. "Hindi ko alam," umiling ako. "Basta may bigla na lang sumabog." Narating namin ang classroom namin, wasak-wasak na ang pader nito at wala na rin ang pintuan. Pinasok namin ang loob at nadatnan sina Hamida at Zelofina na naghihingalo. Pilit silang gunagapang papunta sa direksyon namin. Agad namin silang tinulungan at hinatak palabas ng silid-aralan. "TULONG!" Dahan-dahang naglakad patungo sa amin ang lalaking may hawak na laptop at may salpak na headphones. "Hindi mo man lang ba kami tutulungan?" Nag-angat siya nang tingin kay Jackie na hindi na alam kung ano ang gagawin. "Paparating na ang medics dito, actually nandito na nga sila." Sa likod niya, naroon ang mga babaeng nakasuot ng pang-nurse, ang kaibahan nga lang kulay red at yellow ang uniporme nila. Ang weird nga, e. Binuhat nila sa stretcher ang dalawa at tinulak papunta sa Emergency Room. Susunod pa sana kami pero pinigilan na nila kami. Nilingon ko si Axl na wala man lang emosyon sa mukha. Ni hindi nga siya nag-alala para sa dalawa. "Axl, bakit wala kang ginawa? Hindi mo man lang sila tinulungan!" Kumunit ang noo ko nang tumalikod lang siya. "Baka nakakalimutan mo, ako ang nagdala ng medics dito," Umalis siya nang hindi manlang nagpapaalam. Kami nama'y tinungo ang ER kung saan sila naroroon. Pagpasok namin, nakita namin silang kinakabitan ng kung anu-anong aparato sa katawan. Si Hamida, binebendahan ang kanyang mga sugat na natamo sa pagsabog samantalang wala namang malay si Zelofina. "Pakibilis," utos ni Jackie sa mga ito. "Opo, Master," yumuko ang isang nurse at dinoble ang bilis nang ginagawa. Matapos malagyan ng first aid ang dalawa, nilapitan kami ng isa sa mga nurse, "Tatagal po ng tatlong araw ang pagpapagaling sa kanila. Masyado po kasing malubha yung mga tinamo nilang sugat," pagpapaliwanag niya habang pinapakita sa amin ang receipt. Tumango na lamang ako at lumabas na kasama si Jackie. Nagpunta kami sa kinaroroonan ng Grey Hatters at kusa naman nilang ibinigay ang kopya ng CCTV pagkatpos naming iabot ang keycard ng Dikarsa. Salamat na lang sa kasama ko at isa na siya sa mga Masters na itinuturing nila. Hindi na siya basta lang estudyante. Pinanuod namin ang footage. Nakita ko si Jackie na pumasok sa lumang classroom ng Sarkasa, sa pinag-memeeting-an mismo namin. Makalipas lamang ang dalampung minuto, lumabas na siya. Sandali rin kaming naghintay bago isang lalaki ang pumasok, hindi rin naman siya nagtagal at umalis din. Pero pagkaalis na pagkaalis niya, doon nangyari ang pagsabog. "Paki-rewind nga po," pakiusap ko sa gwardya na agad naman niyang sinunod. "Pakihinto," sambit kong muli nang lumabas na ang lalaki. Pinalapit ko ang camera at hinintay na mag-HD ito bago i-print ang hard copy. Kasama na roon ang pangalan niya. "Kilala ko ito," tugon ni Jackie pagkalayo namin sa departamento. "Si Mr. Dalion ito, siya ang kanang kamay ni Master Yula." "Kung siya ang kahalili ni Master Yula, ibig ba noong sabihin na si Master Yula ang nag-utos?" Humarap siya sa akin, "Hindi ko alam." "Sa tingin mo, bakit kaya niya ginagawa ang mga iyon?" Tanong kong muli habang tumatawid sa main bridge ng school. "Kung siya nga ang nagpasabog ng classroom, baka siya ang tinutukoy nating si Eagle-Eyed?" kahit nag-aalangan, sinubukan ko pa ring magbigay ng kahit na kakaunting hint. "Hindi ko pa sigurado ang tungkol jan," itinago niya sa bulsa ang litrato ng sinasabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakabalik na nga pala sa building niya si Axl— "Axl?" Bumakas ang gulat sa mukha ng katabi ko. "Akala ko ba nakabalik ka na?" "Parang mas nagustuhan ko sa Corion, magaganda kasi ang facilities," ibinaba niya ang hawak at nilampasan kami. Hindi namin napigilang sundan siya. Tumawid siya sa secondary bridge na nagdurugtong sa department ng Corion at Sarkasa. Binuksan niya ang iron door gamit ang pin na nakuha niya sa kung sinuman at pumasok sa loob, kasabay namin. Umupo siya sa bench katapat ng sumabog na room. Pinagmasdan niya ito. "Mag-iisang buwan pa lang ang pasukan pero ganito na kaagad ka-intense ang mga pangyayari," may halong panlulumo ang kanyang boses. "Bawat araw may namamatay," "Kung sino man ang may pakana noon, sisiguraduhin kong magbabayad siya," nanginginig ang mga kamay ni Jackie sa galit. "May lead na kami sa kung sino si Eagle-Eyed," naagaw ko ang atensyon nila. "Si Mr. Dalion, ang kanang kamay ni Master Yula," hinugot ko sa bulsa niya ang papel at pinakita sa kanya. "Pareho tayo ng lead, siya rin kasi ang nakita kong huling pumasok bukod kay Jackie," tiningnan niyang maigi ang litrato. "Nakakapagtaka nga dahil hindi naman niya ka-close ang dalawa at wala naman silang connection kaya hindi ko talaga lubos maisip kung bakit siya nagpunta rito." "Hindi kaya may ipinag-uutos si Master Yula sa dalawa at pinadaan na lang kay Mr. Dalion?" Si Jackie "Pero marami naman siyang pwedeng utusan, bakit siya pa talaga?" Pag-usal ko. "Marami kayang estudyante ang nagiging utusan niya tapos ang kahalili pa talaga niya ang pagsasabihan niya? Tsaka para saan?" Nagkibit-balikat ito. "Kailangan nating malaman kung bakit siya nagpunta rito sa Sarkasa. Isa kasi siya sa senior guards ng Main building at ang pinakamatinging rule na dapat niyang sundin ay huwag lumabas sa borders." "Hindi ba siya pwedeng umakto as supervisor natin?" Tanong ni Axl habang kinakalikot ang headphones niya. "This is an advanced earpiece, kapag suot ko ito, naririnig ko lahat ang pinag-uusapan ng mga tao na nasa loob ng perimeter." "Bakit hindi mo ginamit iyan para malaman ang pinag-uusapan nina Master Yula?" "Wala akong special keycard nang tulad kay Jackie kaya naman hindi ako makatawid sa Main building," isinabit niya sa leeg ang kanyang kagamitan. "Masyadong strikto ang mga gwardya lalo na sa entrance. Kung wala ka talagang katungkulan, hindi ka maaaring lumampas sa kahel na linya na nasa gitna ng bridge." "Ano nang plano natin Master?" Siniko ko ang braso niya. "Dito mo magagamit ang skills mo." Sumandal siya sa mabatong pader, "Aalamin ko ang mga pianggagawa ni Mr. Dalion. May access ako sa Main building kaya madali lang sa akin ang makapasok doon." "Paano ka naman?" "Doon lang siya nakatanaw sa tower ng Corion, mas malawak ang sagap ng camera na gagamitin niya kaya ma-momonitor niya ang events ng school," nanatili ang mga mata niya sa harapan. "At ikaw naman... bantayan mo sila," "Concerned ka pa rin pala sa kanila," nag-iba ang tono ng boses ni Axl, lumamig na ulit ito gaya ng palagi naming naririnig sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ko maisip kung bakit ja nag-aalala sa sarili mong biktima." Hinarap niya ang lalaki, "Ano bang sinasabi mo?!" Bahagyang natawa ang kausap, "'Di ba, ikaw ang nagpasabog ng classroom?" Hindi na niya napigilan at napatayo na sa galit. "Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Tiningnan siya nito, "Hindi ganoon ka-outdated ang devices ko para hindi makita nang malinaw ang chip na nakakabit sa bracelet mo noong oras na pumasok ka sa room," naglabas din siya ng papel at pinakita sa amin ang closed-up na picture ng kamay ni Jackie, nakasuot nga ito ng bracelet na may nakasuksok na isang maliit na chip. "Sinungaling ka!" Nasapo niya ang noo. "Bakit ka ba kasi gumagawa ng kwento?" "Kasi mahilig ako magsulat ng kwento na hango sa totoong buhay," pambabara niya rito. "Tingnan mo oh, kaparehong-kapareho ito ng chip na na-recover nang sumabog ang Wide Plaza. Ngayon, sabihin mo, hindi pa nga ba ikaw ang suspect?" Natulala si Jackie, hindi na niya alam ang gagawin maging ako'y hindi ko naiintindihan ang nangyayari. "Ang pinuno mismo natin ang traydor..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD