NANLUMONG pinagmasdan ni Jeannie ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Sinikap niyang ipaghanda ng hapunan si Terrence kahit wala siyang ideya kung paano ang magluto. Day off ng mga kasambahay at gusto niyang magpa-impress sa binata pero sunog lahat ng putaheng ihinanda niya maging ang daliri niya ay hindi nakaligtas. Dismayadong muling pinasandahan niya ng tingin ang mga pagkain hindi niya alam kung bakit naging ganon ang resulta gayon binasa naman niya ng mabuti ang mga nakasulat sa recipe book. "0h dear!" Pagpasok pa lang ni Terrence ay nanuot na sa ilong nito ang sunog na amoy na nanggagaling mula sa kusina. "Jean?" Gulat na palingon siya sa binatang nakatayo sa b****a ng kusina. Tuluyan ng nalaglag ang mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata. "I'm sorry, Terrence gusto ko lang

