Napapangiti si Jeannie, sa tuwing naalala niya ang bawat sandaling kapiling niya si Terrence. Ang mga halik, yakap at haplos nito sa katawan niya ay hinahanap-hanap niya. Katulad na lamang ngayon, ilang oras pa lamang silanghindi nagkikita ay nami-miss na niya ito. Mahigit isang buwan na rin silang may relasyon, she really loved him so much at katulad ng napag-usapan nila ay Hatid sundo rin siya nito sa unibersidad na pinapasukan niya. Kahit abala ito sa pamamahala sa mga ari-ariang naiwan ng yumaong Don at sa sarili nitong kompanya. At ngayon isang araw pa lang niya itong hindi nakikita ay nagagahol na siya sa presensiya nito at labis-labis din ang pananabik niya rito. Pakiramdam ni Jeannie ay hindi kompleto ang araw niya kung hindi niya ito nasisilayan at tila ba nababalot ng kal

