CHAPTER 4

1709 Words
NASA TERESA si Don Ignacio nang lapitan ito ni Terrence. Batid niyang natanaw rin ng Don ang papalayong sasakyan ng nag-iisa nitong anak na nagpapangitngit sa kanya. “Tito . . .” “I’m fine, hijo.” Nakuyom niya ang kamao kasabay ng pagtatagis ng kanyang bagang. Sa kabila ng sakit na nagpapahirap dito ay ang anak pa rin ang iniisip nito. “Why don’t you tell her the truth? Mainam na kung malalaman niya ang tungkol sa inyong kalagayan.” Nagpakawala ng buntonghininga ang Don at malungkot na umiling pagkatapos ay tumingin sa malayo. “Ayoko lang siyang bigyan ng alalahanin, hijo. Sapagkat nasaksihan ko kung paano siya nasaktan at nangulila sa pagkawala ng kanyang ina. Ayoko nang maulit iyon,” wika ng Don na tila sinasariwa sa alaala ang nakaraan. “I know what you’re thinking, son. Mahirap din para sa akin ang ipagtapat sa kanya ang totoo.” Nagsimulang mangilid ang luha sa magkabilang sulok ng mga mata ng butihing Don pero kaagad din iyong pinigilan ng huli. “I understand po, Tito.” “Maraming salamat sa kabaitan mo, hijo. Hindi man ako biniyayaan ng anak na lalaki, nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ko, Terrence.” “Tito . . .” “Napakasuwerte nina Leo at Messy dahil nagkaroon sila ng anak na kagaya mo, hijo. Alam ko rin kung gaano ka nila ipinagmamalaki, saan man sila ngayon naroroon,” madamdaming dagdag pa nito na ang tinutukoy ay ang namayapang mga magulang niya. Ginagap ni Terrence ang palad nito at bahagyang pinisil. Nais niyang ipadama sa ginoo na nasa tabi lang siya nito at hindi niya ito iiwan. Ito na ang tumayong ama niya mula nang masawi sa malagim na aksidente ang kanyang mga magulang. “Mas masuwerte po ako, Tito, dahil nariyan po kayo noong mga panahong kailangan ko ng payo at pagmamahal ng isang magulang. Maraming-maraming salamat po, Tito.” Hindi na nagdalawang-isip ang binata at kusa nang yumakap dito. Napamahal na rin siya rito kaya higit siyang nasasaktan kapag naiisip niyang mawawala na rin sa kanya ang taong itinuturing niyang pangalawang magulang. “Thank you, son,” tinapik-tapik nito nang marahan ang likod niya. Si Terrence ay nanatiling nakayakap dito. “Hindi ako magsasawang hilingin sa ’yo ang bagay na ito, hijo, at sana’y hindi mo ako biguin.” Humugot ito ng hangin sa dibdib bago nagpatuloy. “Ikaw na ang bahala kay Jeannie kapag nawala na ako. Huwag mo siyang pababayaan.” “T-tito, please, don’t say that.” “Promise me again, Terrence, gusto kong makasiguro.” “I promise, Tito.” “Call me dad, hijo.” Nahihiya man at naiilang ay tumalima na lang ang binata sa nais ng matanda. “Pangako, Dad.” “That’s my son.” Dumiretso siya sa mini bar ng mansion pagkatapos nilang mag-usap ni Don Ignacio. Nagsalin siya ng inumin sa baso saka mabilis na tinungga ang laman n’on. Tutol man siya na ilihim ang tungkol sa kalagayan ng ginoo ay minarapat na lamang niyang irespeto ang desisyon nito. Alam niya kung gaano kasakit ang mawalan ng taong mahal sa buhay, hindi rin niya masisi ang Don kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan nitong huwag ipaalam sa anak ang kalagayan nito. He made another shot of whisky and then marched towards the main door. Nagmamadali siyang sumakay ng sariling kotse pagkatapos ay pinaharurot iyon palabas ng mansion. *** PAGDATING ng Manila ay sumaglit lang sa pag-aari niyang unit si Jeannie upang magbihis. Pagkatapos ay dumiretso na rin siya sa party ng kaibigan. “So, how was your weekend?” agad na tanong ni Maritony nang makita siya. “How about the guy who lived in your castle?” may himig pang-iinis na wika naman ni France. “That jerk!” “Oh?” halos magkapanabay na reaksiyon ng dalawa. “I came here for Bob, not for the both of you.” Halata pa rin ang pagkainis niya. “Did I hear my name?” Mula sa likod nila ay sumulpot ang lalaki. “Loud and as clear as crystal, Bobby. Happy birthday,” aniyang tumayo upang yakapin ang kaibigan. “Iti-treat ko na lang ang buong tropa on weekend bilang regalo ko sa ’yo. Name the place at ako na’ng bahala,” dugtong pa niya na ikinatuwa ng mga kaibigan. “Whoa! How about Palawan?” si France. “Paradise Island,” singit naman ng isa pa nilang kaibigan. “Bob will choose the place, right, babe?” ani Maritony at humalik sa labi ng katipan. “Majurity wins!” pahayag ng celebrant. Nag-usap-usap sila kung saan sila tatambay on weekend. Samantala, si Jeannie ay tahimik lang habang sumisimsim ng alak. Hindi mawala sa isipan niya ang lalaking sumira sa pananatili niya sa mansion. Ngumiti lang ito nang makapagdesisyon na ang barkada kung saan nila gaganapin ang gift treat niya para kay Bob. “So, tell us now, gaano kaguwapo ang Terrence na ’yan?” muling pangungulit ni France. Hindi naman niya inilarawan ang hitsura ng lalaking kurimaw na ’yon pero nakapagtataka dahil hindi ito mawaglit sa isipan niya. Isa pa ’yan sa ikinaiinis niya. That man is always playing in her thoughts kahit gaano man niya ito itaboy sa isipan. “So?” Nangingislap ang mga matang naghihintay ng kanyang kasagutan sina Maritony, France, at iba pa nilang girl friends. “He’s not handsome!” may diing sagot niya. Super guwapo lang! mabilis na dugtong ng isip niya na kaagad din niyang sinaway. Lumarawan naman sa mukha ng mga kaibigan ang pagkadismaya sa tinuran niyang iyon. ***** Napabuntonghininga si Terrence pagkatapos nitong makipag-usap sa kabilang linya. Kung hindi lang nagkaroon ng problema sa pagmamay-ari niyang resort ay hindi niya iiwan ang Don sa hospital. Isinugod ito kinabukasan pagbalik ni Jeannie sa Manila limang araw na rin ang nakakaraan. Mariing ipinikit ni Terrence ang mga mata. Kung puwede lang sana niyang dugtungan ang buhay ng Don ay gagawin niya, ngunit milagro lamang ng Diyos ang makapagpapagaling dito. Pagbaba pa lamang ng mga sakay ng mga magagarang sasakyan ay nagsigawan na ang mga ito na nakatawag-pansin kay Terrence. Kasabay n’on ang kanyang pag-iling habang nakapamaywang. Madalas magkaproblema ang resort dahil sa katulad ng mga kabataang namamataan niya. Well, it’s not bad at all. In fact, everyone is welcome to this luxurious resort. Pero sa tingin niya’y magdudulot ng suliranin at sakit ng ulo ang grupo ng mga ito. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya? Mga costumer pa rin sa resort ang mga ito na dapat bigyan ng maayos na pagtrato. Akmang lalabas na ng hotel si Terrence nang mahagip ng kanyang paningin ang pamilyar na imahe kasama ng mga bagong dating. At hindi nga siya nagkakamali. Kahit malayo ito mula sa kinaroroonan niya ay nakikilala pa rin niya kung sino ’yon. Dumilim ang guwapong mukha niya kasabay ng pagkuyom ng kamao. So that’s why hindi ito makakauwi ng mansion dahil mas gusto nga nitong makasama ang mga barkada sa halip na makapiling ang sariling ama. Tinawagan kasi niya ito kinabukasan noong umalis ang dalaga, but Jeannie chose to ignore his calls. Muling napangitngit si Terrence nang maalala ang kalagayan ng Don. Ikinubli niya ang sarili upang hindi siya makita ni Jeannie pagpasok ng mga ito sa reception. Tumawag siya sa taong itinalaga niyang magbantay sa Don upang sabihing hindi siya agad makababalik ng hospital. Kailangan niyang bantayan ang dalaga katulad ng naipangako niya sa ginoo, pero iyon nga ba talaga ang dahilan? Mula nang dumating ang grupo nina Jeannie ay hindi na inalis ni Terrence ang paningin sa babae. Nagngingitngit ang kalooban at lihim na napapamura si Terrence dahil sa suot nitong halos ipakita na ang maselang parte ng katawan. Ewan ba niya kung bakit siya nakararamdam ng iritasyon gayong lahat ng mga kasama nitong babae ay naka-two-piece suit din. At mas hindi niya nagugustuhan ang pakikipag-usap ni Jeannie sa ibang lalaki. Pero ano bang karapatan niya para maramdaman iyon? Lihim niyang sinita ang sarili. E ano ngayon kung nakalantad ang magandang katawan ng dalaga? Ano ngayon kung napapaligiran ito ng mga lalaki? Natural lamang sa isang magandang katulad nito ang maging lapitin ng mga binata. Isa lang ang natitiyak ni Terrence—wala siyang karapatan sa damdaming bumabagabag sa dibdib niya. Baka naman kaya siya nagkakaganoon ay dahil nangako siya sa Don na babantayan niya ang nag-iisang spoiled nitong anak. Ngunit iyon nga ba talaga ang dahilan ng pagkakaganoon niya? Kay Jeannie lamang nakatutok ang atensiyon ni Terrence. Madilim ang anyo at matalim ang pagkakatitig niya sa lalaking kausap ng dalaga. Tila gusto-gusto rin ng babae ang pakikipagharutan dito. “Damn that lady!” napamurang aniya. Muli niyang sinipat ang pambisig na orasan. Mag-aalas-dose na ng hatinggabi pero nasa labas pa rin ang mga ito. Nakaharap sa bonfire habang umiinom ng alak. Nagkakantahan habang nagsasayaw naman ang iba. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang maya’t mayang paglalapat ng mga labi ng bawat couple. Iba na talaga ang mga kabataan sa panahon ngayon, iiling-iling na turan niya. Isa lang ang pinangangambahan niya—ang halikan ng tampalasang lalaki si Jeannie. And God knows how he wish to rip out his throat right away at hablutin ang braso ng dalaga palayo rito. “The hell of that bastard!” kuyom ang kamaong ani Terrence. Hindi hinihiwalay ang pares ng mga mata sa mga ito. ***** “Jean, you know how much I like you since the first time we’ve met. Ramdam ko ring may gusto ka sa akin. Bakit hindi mo palayin ang damdamin mo para sa akin?” pahayag ng binata. Halatang marami na rin itong nainom. Ngumiti nang pagak si Jeannie at binalingan ng tingin ang katabi. “How could you possibly assume that thing?” iritableng aniya. Bagamat kanina pa naiinis sa presensiya ni Zairus at sa kayabangan nito ay pinipigil pa rin niya ang sarili. Ayaw naman niyang gumawa ng eksena dahil kaarawan ni Bob at pinsang buo nito ang mayabang na hudyo. “I know, Jean.” Lumapit pa ito sa kanya para lalong magdikit ang kanilang katawan. “Whoa! You must be out of your mind, Zairus! Nagkakamali ka yata ng inaakala, wala akong gusto sa ’yo. And stay away from me, will you?” Itinulak niya ito palayo sa kanya. “Come on, Jean, magpapakipot ka pa ba? Break na kami ni Tiffany kaya we’re free to do anything we want. Alam ko ring matindi ang pagnanasa mong mapansin kita.” “W-what?!” At saan naman kaya napulot ng unggoy na ’to ang salitang ’yon? And highlight the word he used. Siya? May pagnanasa sa kumag na ’to? Horrible! “We can even do it here or inside my suite,” pagkawika niyon ay kinabig siya nito at hinapit sa baywang. Naningkit ang mga mata ni Jeannie nang makuha ang nais tumbukin ni Zairus. Ano’ng karapatan nito para hawakan siya? “Masyado ka naman yatang kampante, Zairus, hindi ang tipo mo ang pagnanasaan ko! And one more thing, hindi ako tulad ng inaakala mo! Kaya puwede bang lumayo ka sa akin?!” aniya at muling itinulak ang tampalasang binata. Hindi porke nakipagkuwentuhan na siya rito ay may gusto na rin siya sa lalaki. Hindi pa siya nasisiraan ng bait para patulan ito. For heaven’s sake!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD