Zhelee Angela's Pov NAGISING ako na parang may nakadagan sa tiyan ko. Maging ang mga binti ko ay may nakadagan din kaya nagtaka ako at agad na iminulat ang mga mata ko. Laking gulat ko ng makita ko ang lalaking naka hoodie na mandurot. Nakayakap pa talaga siya sa 'kin habang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Bigla kong naalala na nakatulog pala ako kagabi dahil sa hinayupak na 'to. Agad nanlaki ang mata ko at dali-daling tinignan ang katawan ko kung may suot ba ako o wala. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil may saplot pa naman ako kahit papano. Pero hindi nga lang ako makagalaw dahil nakapatong ang braso ng lalaki sa tiyan ko pati na ang binti niya ay nakapatong din. Para bang takot na takot siya na mawala ako sa tabi niya. Napangiwi ako dahil ang bigat niya. Mabuti at nakahing

