CHAPTER 19

1486 Words
"Nadiligan ka, 'no?" Bungad ni Vergeire habang tinutusok ang pisngi ko. Inis kong winaksi ang daliri niya at umupo na lamang sa upuan ko. "Blooming! Sana all may dilig!" Bulong pa nito bago tumabi nang upo sa akin. "Congrats nga pala! Galing mo sa Q&A, hindi ko alam kung bakit hindi ka nanalo. May daya," Vergeire said and tsked. Nilingon ko siya at kinunotan ng noo. "Anong may daya?" "Yung nanalo, sponsor ng pamilya niya lahat. Sa upuan, sa confetti, sa speakers at kung ano-ano pa!" Umiling siya at nagpangalumbaba. "Hayaan mo na! May prize naman ako galing kay Kuenzier." Humagikgik pa ako, natigil lang dahil binatukan ako ni Vergeire. "Harot! By the way, malaki ba?" Pabulong niyang tanong at inilapit pa ang mukha sa akin. "Malaki yung braso niya!" Tawa ko na ikinairap niya. "Malaki ba yung bulldog? Gaano kahaba?" Tanong niya ulit. Hindi ako nagsalita at nagkunwaring walang naririnig kahit paulit-ulit na niyang kinukurot ang braso ko at nagtatanong. "Sabi ko na nga ba't hindi 'yan mananalo! Sino ba namang magpeperform ng painting sa talent portion?" Pagpaparinig ni Julianne habang may binabasa 'kuno' sa cellphone. "Oh? Talaga? Ikaw nga, hindi na nga maganda, wala pang talent. Narinig nga kitang kumakanta sa banyo tapos ang boses parang inipit na yero," Banat ni Vergeire na ikinatawa naming lahat "FYI, I'm beautiful. Kaya ko ring mag-paint! Kumanta at sumayaw," May halong inis na saad ni Julianne. "Lahat naman ng tao kayang kumanta, sumayaw o magpinta, pero hindi lahat ay maganda ang kakalabasan," Ani Vergeire. "You-!" Inis na hinatak ni Julianne ang bag bago walang lingon na lumabas ng room. Napuno nang tawanan ang buong room dahil sa pagkapikon ni Julianne. "Akala mo naman maganda. Mukha namang pwet ng kabayo." Umiling pa si Vergeire. Dumating ang guro namin at hindi na nga muling bumalik si Julianne. Marahil napikon talaga. "Ms. Figueroa, congratulations! I am impressed by your fortitude!" Bungad agad niya. Nagpasalamat ako at bahagyang ngumiti. Hindi ako sanay na nabibigyan nang atensyon ng mga guro dahil noon pa man ay wala na silang pakielam sa akin. Sino ba naman ang matutuwa kung pana'y tulog o ditch ang estudyante mo? Nagtuloy-tuloy lang ang buong araw. Wala na sa unibersidad si Kuenzier dahil bumalik na ang tunay na guro namin. Marami akong naririnig na nakaka-miss sa kanya at karamihan doon ay babae. He had already become well-known in our school in a short period of time. "Night-out tayo mamaya! Sama natin si Jazz at si Clark! Tapos mare, nakikita ko si Cyan, parang hinahanap ka niya." Aagd akong napalingon kay Vergeire. Andami niyang nalalaman sa paligid habang ako ay nangangapa pa. "Huwag mo kausapin si Cyan! Minanyak ako noon." Umiling ako bago hinanap ang susi ng kotse ko sa bag. "Paalam muna ako kay Zier." "Asus! Basta may jowa, kailangan ng consent? Sama mo na din!" Tinapik-tapik niya ang braso ko bago ngumiti. "Sige na! Adios!" Tumango ako at kinawayan siya bago sumakay sa loob ng kotse ko. Totoo nga ang sinabi nila na may mga manliligaw dahil halos matambakan ako kanina ng bulaklak. Ibinigay ko nalang sa iba dahil tinatamad akong bitbitin. I dialed Kuenzier's number when I'm near at my apartment. "Hello? What do you need, baby?" Bungad niya agad. "I need you," Biro ko at sinabayan pa nang halakhak. "Biro lang! Nasaan ka?" "I need you too. I'm here at my condo. Punta ka dito," Sagot niya. Agad kong binaba ang tawag nang makasakay sa elevator at pindutin ang floor niya. Ilang beses na akong nakapunta sa condo niya dahil nananawa ako minsan sa condo ko kaya madali nalang para sa akin ang pindutin ang passcode ng pinto niya. Nadatnan ko siya na nakaupo sa sofa habang nanonood ng kung ano. Hindi ko naman maintindihan dahil puro numero ang nakasulat habang may lalaking nagsasalita sa background. Umupo ako sa tabi niya at niyakap ang braso sa bewang niya. "Hi." Panimula ko. "I missed you," Bulong niya at ramdam ko ang pagdampi ng labi niya sa ulohan ko. "Sus! Kakakita lang natin kaninang umaga!" Hinampas ko ang braso niya at bahagyang tumawa pa. Pinatay niya ang T.V. at tuluyan na akong hinarap. Pinakatitigan niya ang mukha ko bago ngumiti. "You're beautiful," Sabi niya. Nag-init ang dalawa kong pisngi dahil sa sinabi niyang iyon. Lagi nalang ako pinapakilig! "I love you," Tanging nasabi ko nalang at isiniksik ang ulo sa leeg niya. "Mahal na mahal din kita," Bulong niya. WEEKENDS ay naisipan kong puntahan si Kuenzier sa kumpanya niya at lutuan siya ng kaldereta. Nagcommute nalang ako dahil sasabay nalang ako sa kotse niya kapag uwi. Ilang linggo din ang lumipas simula noong umalis siya sa school. Nawala na din ang bulungan tungkol sa kanya ng mga babae kaya wala na akong sasabunutan. Nagulat ako ng walang sumalubong sa akin na Savanna sa labas ng opisina niya. Wala na ring gamit. Kinibit-balikat ko nalang bago tuloy-tuloy na pumasok sa opisina niya. "You're aware that I like you, aren't you? Your mother wants me to be with you." Natigil ako sa pagpasok nang marinig ang boses ng isang babae. Napahigpit ang kapit ko sa plastik kung saan nakalagay ang pagkain na iniluto ko para sana sa kanya. "Have s*x with me, Zier. Kiss me," Rinig kong sabi ng babae. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Napahigpit ang hawak ko sa plastik bag ng madatnan sila na naghahalikan. Hindi ko makita ang reaksyon ni Zier dahil nahaharangan siya ng babaeng humahalik sa kanya. Sapat na ang kamay niya na nakahawak sa braso ng babae. I didn't even bother making a scene and just left in silence. My tears are flowing freely as I feel my heart ripping apart. Itinapon ko ang pagkain sa nakita kong trash can malapit sa opisina niya bago sumakay ng elevator. How many times have I felt worthless because I loved someone? How many times have they simply dumped me? I thought that if I loved Zier, the pain would leave me alone. But this time, he caused even more pain. He created a new wound. I've always been afraid of love. It's one of the reasons I just play around. I claimed that loving Zier would prove that I was worthy of his love. I'm deserving of someone's love. I dialed Vergeire's number, hoping that she would answer. "Oh? Kailangan mo, aber?" Bungad niya. Napahikbi ako nang marinig ang boses niya. "C-Can I s-stay in your condo?" "Jusko! Si Kuenzier dahilan 'no? Pumunta ka agad dito at magkukwento ka!" Binaba niya ang tawag matapos no'n. Pumara ako ng taxi at sinabi kung saan ang condo ni Vergeire. "Manong, if you love someone yet he kissed someone, would it be still worth it to accept him and love him again?" Tanong ko sa driver. "Alam mo, may pasahero din ako na may problema sa pag-ibig!" Bungad niya. "Pero alam mo ineng, worth it naman ang lahat kung alam mong ikakasaya mo na tanggapin siya ulit. Naitanong mo ba kung bakit niya hinalikan iyong babae?" Natigil ako sa tanong niya. "H-hindi po." "Huwag ka muna mag-assume ng kung ano-ano kung hindi mo pa siya nakakausap. Dahil sa maling assume kasi nasisira ang relasyon. Kaya nga may salitang 'magtanong' at 'intindihin'. Hay, bagay na siguro akong love advicer," Saad nito. Natahimik ako dahil sa sinabi niya. I asked myself if it was still worthwhile to accept and love him again. Certainly, yes. Will I be able to understand why he kissed that girl? Yes, if it's valid. "Kuya! Ibalik niyo po ako doon sa building! Bilis po!" Utos ko sa driver at agad naman niyang sinunod. Huminto siya sa tapat ng building, agad akong nagbayad at hindi na hinintay ang sukli. Dire-diretso lang ako patungong opisina niya. I noticed him dragging the woman from his office. Bahagyang dumilim ang ekspresyon niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso ng babae. "It's your fault if my girlfriend dumps me! Of course, she saw us!" Rinig kong sigaw niya sa babae. "I'm sorry! I like you so much!" Umiiyak na pahayag ng babae. Dahil sa pagkaladkad ni Kuenzier doon sa babae ay nagtagpo ang mata namin. Nakita ko kung paano umuwang ang labi niya at agad binitawan ang babae at lumapit sa akin. Tinawid ko ang pagitan namin at agad siyang niyakap. "Did you really kissed her?" I asked. "No, She kissed me. I'm sorry. I love you," Bulong niya. Kung siguro ay hindi ako pinayuhan ng driver ay tuluyan nang nasira ang relasyon namin ni Kuenzier. Mababaw ang tiwala ko sa kanya kaya nagawa kong paghinalaan ang lahat. Kahit hindi naman pala siya ang may kasalanan. My heart is still filled with dread. Fear of falling in love and trusting again. I'm still afraid of being hurt again. But maybe Kuenzier really love me. Mahal niya ako at iyon ang pinanghahawakan ko. And by just that, I realized, understanding is better than assuming. Lalo na kapag mahal mo ang isang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD