Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakamasid sa kanya na nakaluhod pa rin sa harapan ko. He's not married anymore. I should be happy, right? But I just can't. Gaya ng sinabi niya, komplikado pa rin ang lahat. "A-accept me, again, C-Celestine.. I will give you the world.... or rather everything!" he pleaded again. "T-tumayo ka nga muna d'yan!" saway ko sa kanya dahil dumadami na talaga ang nakikiososyo sa paligid namin. "Di ba si Celestine Figueroa 'yan? 'yung painter? Tapos si Mr. Adecer 'yung lalaki? An'yare? Kabit ba siya?" dinig kong bulong ng isang nurse. "Hindi ko rin alam. Mukha nga pero bakit si Kuenzier ang nagmamakaawa?" bulong pa ng isa. I stiffened. f**k, he's famous! I'm sure of it! Pinilit kong patayuin siya dahil baka bukas ay headline na kami sa news.

