"How much?" Napatigagal ako habang nakamasid sa kanya. 'ni hindi ko alam na nakarating na pala kami sa opisina niya dahil sa pagkakatulala ko. "Ha?" I asked, still not knowing what was going on. "How much does the painting cost?" He asked once more before smirking. Napaayos ako nang tayo bago tumikhim. I need to be professional in front of him! Ayaw kong pati dignidad ko, mawala! Lumapit ako sa mesa niya at umupo sa upuan na nandoon. I saw how he smirked for what I did. Inilabas ko ang papel na dapat niyang pirmahan. "This is the agreement paper..." I handed him the piece of paper I was holding. "...nandiyan lahat nang gusto mong malaman." "Wala pa dito ang gusto kong malaman," he suddenly said that made me looked at him. "What do you want to know?" "Number mo." My mouth gape

