"Ang ganda niyo na, Ma'am Tine!" Palakpak ni Manang habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako at nagpasalamat bago pasadahan ng tingin ang aking repleksyon sa salamin. Halata pa rin ang pamamaga ng mata ko dahil sa pag-iyak kagabi pero hindi naman iyon mapapansin dahil masquerade ang dadaluhan namin. "Hoy, Flat! Antagal mo naman diyan!" Rinig kong asik ni Art sa labas. "Hoy! Kung ako flat, ikaw supot!" Sigaw ko pabalik at umirap sa kawalan. Ngumiti ako kay manang at kinuha na ang pouch ko bago lumabas at lumapit kay Art. He looks dashing on his black tuxedo and a gold mask. Kita ang mapupulang labi niya at ang manipis na balbas sa baba niya. But overall, he looks gorgeous. "Laway mo, oh! Gwapo ko ba?" Ngumisi pa siya. "Mukha kang ipis." Inirapan ko siya at pumasok na agad sa kotse ni

