Naka upo ako ngayon sa sofa sa bahay namin nanonood ako ng tv. Ewan ko kung ano tong pinapanood ko
"Bea! Bea! Bea!!" Sigaw ni Ponggay
"Kung makasigaw ka ponggay bakit??"
"Pagpalam mo naman ako kay dads oh. May date daw kami ni deanna ngayon" Ponggay
"Bakit hindi ikaw ang magpaalam" tatayo na sana ako pero hinila niya ako
"Please! Ate ibili kita ng cookies and ice cream" Ponggay
"Hayy. Oo na! Tinawag mo na akong ate eh!" Tumayo ako sa sofa at linapitan si dads
"Dads! Aalis kami ni ponggay ha? Baka gabi na kami makauwi"
"Saan kayo pupunta?" Moms
"Moms sa mall lang po kasama naman namin sina deanna. Atsaka moms ayaw mo yun masosolo niyo ni dads ang bahay" nag smirk naman ako
"Loko kang bata ka ah! Oo na sige basta magiingat kayo ah?" Dads
"Yes! Thanks moms and dads enjoy kayo ah?" Tumakbo ako papunta sa room ko tinext ko naman si jho sana naman dumating siya.
To: Jhoana
Hey! Jhoana! Its me bea! Kung nabasa mo yung letter na iniwan ko kilala mo ako. So magkita tayo sa mall? If you want isama mo si ate Jih.
Nagpunta ako sa banyo para maligo. After kong maligo ay nagbihis ako (malamang bea) ginawa ko ang dapat kong gawin. Lumabas na ako sa kwarto ko.
"Ponggay!!! Tara na!! Aalis na tayo!!" Sigaw ko
Lumabas naman siya sa kwarto niya suot ang isang simple white dress.
"Nasa mall na daw sina deanna" ponggay
"Oo nga sinabi niya rin saakin kaya tara na!" Lumabas na kami ng bahay nag drive ako papuntang mall
~~~~~
Bumbaba na ako sa kotse at sinuot ko ang shades ko. Nagpunta ako sa SB dahil dun daw kami mag kikita ni Jho. Pag dating ko dun ay nakita siya naka upo at umiinom ng Frappe. She's so simple yet she's gorgeous.
"Jho!" Napalingon naman siya saakin
"Bea?" Jho
"Yeah! Buti naman dumating ka" umupo ako sa free chairsa harapan niya
"Nabasa ko kasi yung letter sa study table ko i guess yun yung letter na tinutukoy mo sa text mo saakin" Jho
"Yeah. Lahat ng nabasa mo dun ay yin ang mga nangyari kahapon. And i'll be doing that sending some letters na ang nakasulat ay ang mga nangyari sa maghapon and read it kapag nagising ka sa umaga"
"Well thats fun!" Jho uminom ulit siya sa frappe niya
"Fun talaga so lets go!"
"Ha? Saan tayo pupunta?" Jho
"Basta tara na tumayo kana dyan" hinila ko siya patayo at nag lakad kami palabas ng sb
"Saan mo gustong mag punta jho?" Tanong ko sakanya
"Hhhmm. Sa cinema? Lets watch movie" Jho hinila niya ako papaunta sa cinema
"So what movie should we watch?" Tanong ko sakanya
"Hhmmm. ****** mukhang maganda yun ehh" Jho (An: Seriously guys wala akong maisip na movie ehh. So please bare with me haha)
"Ok. Papanoorin natin ang ****** " bumili kami ng ticket, pop corn and drinks bago kami pumasok sa loob
Pag pasok namin ay umupo kami sa pinakataas mas maganda kasing nanonood kapag nasa taas ka. Napatingin naman ako kay jho hindi pa nag start pero kinakain na niya ang pop corn niya.
"Baka kapag nag start na movie wala kang popcorn" sabi ko sakanya
"Well nandyan ka naman bibigyan mo naman ako ng popcron diba?" Jho
"Teka pagiisipan ko kung bibigyan kita haha"
Nag pout naman siya
"Haha. Oo na bibigyan kita kapag naubos na ang sayo haha"
"Sabi ko na di mo ako matitiis ehh hahaha" Jho
"Shhh. Nag sisimula na ang movie oh"
Tumahimik naman siya naka focused siya sa screen habang kumakain ng popcorn. Nanonood ako at kumain ng popcorn baka di ko mapigil eh makurot ko siya sa pisngi she's so adorable.
"*sobs* *sobs* *sobs* " napatingin naman ako kay jho
"Seriously jho umiiyak ka?"
"Hindi bea tumatawa ako oh. HA HA HA HA HA HA *sobs* " Jho
"Hahaha. Bakit ka ba umiiyak?"
"Ehh. Kasi nakakaiyak yung movie" Jho
"Hindi naman kaya" tumingin ako sa pinapanood namin
"Nakakaiyak kaya tragedy ang love story nila" Jho
"Normal lang naman ang movie"
"Ay nako bea ewan ko sayo" nanonood ulit siya
Ang babaw ng luha niya ah. Pwede siyang mag artista ako manager niya. Hahaha. De joke lang. Inabot ko sakanya ang panyo ko
"Tahan na hindi naman mabubuhay ang isa sakanila kung iiyak ka dyan ehh"
"Thanks" Jho habang pinupunasan niya mga luha niya
"Sayang lang luha mo" Kumain ako ng popcorn at uminon ng juice
"Aish!" Jho
Di ko na lang siya kinausap dahil masyado siyang busy sa pinapanood niya tapos bigla siyang tatawa then iiyak then magagalit siya bigla. Yung totoo para siyang baliw hahaha.
Pag katapos ng movie ay lumabas na kami sa sinehan. And kinakain niya ang popcorn ko pati ang juice ko iniinom niya.
"Grabe yung movie na stress ako haha" Jho
"Hahaha. Paiba iba ang expression mo minsan tatawa ka then iiyak then bigla kang ma gagalit then repeat. Hahaha"
"-_- whatever! Gutom na ako" Jho
"Kahit sino naman magugutom sa ginawa mo ehh"
"Heh! Tara na mag hanap ka ng mapag kakainan gutom na ako" Jho
Naglakad lakad kami nag hahanap kami ng mapagkakainan pero ang bagsak namin sa
"AD and JB restaurant"
Pumasok kami sa loob at umupo kami sa table #15. Inorder ko ang best seller sa restaurant hindi ko pa kasi natitikman ito kahit saakin eto. Habang hinihintay namin ang oder namin ay napansin ko sina deanna at ponggay sa table #3. Ang saya ng kapatid ko habang kasama niya si deanna at kitang kita ko ang pagmamahal sa mata ng kapatid ko.
"Here's your order ma'am enjoy" waitress
Pag dating ng oder namin ay kumain kaagad si jho hindi naman siya halatang gutom eh noh haha.
"Hinay hinay lang jho parang ngayon ka lang nakakain ulit ah"
"Ohh. So gotom oko oohh" Jho
"Ano? Wala akong maintindihan jho ayusin mo!"
"Sabi ko eh sa gutom ako eh!" Jho kumain ulit siya nako tong babaeng to.
Kumain na rin ako not minding to matakaw na kasama ko. Habang kumakain ako ay nakatingin lang ako kay jho i dont know kung bakit kahit anong gawin niya ang ganda niya parin sa paningin ko.
"Baka matunaw naman ako niyan bea" Jho
Kaagad naman akong napayuko grabe nakakahiya yun.
"Ang takaw mo kasi eh"
"Alam ko maganda ako haha" Jho
"Teka sa pagkakaalam ko matakaw ang sinabi ko hindi maganda"
"Bea alam ko maganda ako di mo na kailangan pang ulitin hahahah." Jho
-_-
"Oo na lang ako jho" sagot ko habang tumatawa. Pero deep inside gusto ko talagang sabihin sakanya na maganda siya kasi totoo naman.
After naming kumain ay nag punta kami sa isang fruit shop. Pagpasok namin sa loob ay kumuha siya ng apple, orange, bannana, grapes, and strawberry then binarayan niya lahat ng kinuha niya paglabas namin ay
"Aanhin mo mga yan?"
"Panliligo ko?" Jho
"Pilosopo -_-"
"Malamang ano ba ginagawa sa mga fruits? Diba kinakain" Jho
"Ay nako ewan ko sayo jho. Oo nga pala kasama mo si ate jih diba? Nasaan siya?" Tanong ko
"Ewan ko may date daw sila ni marge ehh" Jho
"May gusto ka pabang puntahan??" Tanong ko sakanya
"Sana" Jho
"Saan? Tara puntahan natin"
"Sigurado ka??" Jho kuminang naman mga mata niya
"Oo naman so tara pumunta na tayo" nag lakad kami papunta sa parking lot.
Pinagbuksan ko siya ng pinto sumakay na siya sa car. Sumakay na din ako at nag drive ako sa Lugar na gusto niya daw puntahan. Kahit saang lugar payan pupuntahan namin yan basta siya nag sabi kahit sa ibang planeta pa sasamahan ko siya dun.