Last 2 chapters.. Chapter 84 Hindi tinago ni Jung ang malawak niyang ngiti nang makita akong lumabas sa pinagtataguan ko. Agad akong sinundan ni Radimir pero bago pa siya makalapit sa akin ay sinugod na siya ni Mark kasabay ng sampu pang Tenebrous. Alam nilang hindi kaya ng isang lalaki lang na talunin si Radimir. "You're stupid just like her." Humigpit ang kapit ko sa mga kutsilyo ko. Wala siyang karapatang insultuhin ang kaibigan ko. "And you're more stupid for confronting me." Tumawa siya nang mapakla. "I'm not afraid of you. Women of Safronov are all the same. You're weaklings and easy targets—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil binato ko na siya ng aking kutsilyo. Natamaan ang kaliwang braso niya at napasigaw siya sa sakit. Walang nag-abalang tumulong sa kaniya dahil

