Chapter 66 "Eve, pinapatawag ang lahat ng Safronov sa palasyo. Nauna na yung ibang mga agents. Sorry hindi ka na namin nahintay." Salubong sa'kin ni Lian pagkababa ko ng hapon. Kakagising ko palang kasi at wala akong nadatnan na Safronov kung hindi si Lian lang. "Bakit? Anong nangyari?" "May nagaganap yatang labanan sa pagitan ng Safronov at Tenebrous." "Dapat ginising niyo ko." "Hindi na kailangan. May ipapagawa raw sa'yo na ibang misyon ang reyna." Inabutan ako ng folder ni Lian na agad kong tinanggap. "Pag-aralan mo na lang daw. Tatawagan ka na lang ng reyna kung may kailangan siyang sabihin sa'yo." "Sige salamat." Umalis na rin si Lian. Naiwan akong kasama ang mga Morgan na matiyagang nagbabantay sa labas. Saglit kong binasa yung files at umakyat ulit ako sa kwarto ko para mag

