Beginning is easy - continuing is hard. -Japanese Proverb Chapter 43 Hindi ako makatingin sa reyna. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya. "You know we are not in good terms with the Tenebrous. How could you do such a rebellious act?" Pinagpapawisan ang mga palad ko. Bakit ba kung makaasta ako ay parang guilty ako? It's not as if I have a relationship with Rad. "Alam mo kung sino ka. Marami akong mga mata. Alam kong may relasyon ka sa isa sa mga Tenebrous. Binibigyan kita ng pagkakataon para umamin." Hindi ko pa nakita si Queen Callisha na magalit nang ganito. She's not the usual sweet and kind Queen Callisha right now. Kapag Safronov na ang natatapakan, wala na siyang sinasanto. "Wala talagang aamin? Kung sino man ang traydor na yun, binibigyan kita ng tyansang magpaliwanag. Hu

