Chapter 49 Bull's eye. Binato ko pa yung isang dart. Again, bull's eye. Nandito ako ngayon sa training room para magpalipas ng oras. Matagal na rin nung huli akong nagdarts. Kinuha ko yung isa pang dart at nagconcentrate muna ako bago ko ito ibato. "Huli ka!" Nagulat ako kay Yvonne kaya agad kong nabato yung dart at tumama ito sa section ng 1. "Yuck 1 lang? Ew!" "Kung hindi mo ko ginulat, mabubull's eye ko yun noh!" Nakakainis talaga tong si Yvonne. Laging panira ng concentration. "Eve, favor nga." "Ang astig talaga ng timing mo noh? Pagkatapos mo kong insultuhin tsaka ka hihingi ng favor?" Humagikgik lang si Yvonne. "Sige na please. Samahan mo na ko sa club." "Hay nako. Si Jung na naman bibisitahin mo? Yvonne naman, hindi ka na nga pinapansin nung lalaki." "Eve sige na. Pag sin

