Chapter 37 Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang mga luha na patuloy sa pag-agos mula sa aking mga mata. Malabo na rin yung paningin ko dahil sa luha habang pilit kong tinatandaan yung ruta na dinaanan namin ni Radimir nang papunta kami sa palasyo ng Tenebrous. "Pero ang isa ko pang pinapagawa sa'yo, nagawa mo na ba?" "Of course. I worked on it without even a sweat." "I know you can do it. I know you can make Eve Williams fall in love with you." Marahas kong inumpog ang aking ulo sa headrest habang nagmamaneho ako. Nakakainis! Niloko niya ako. At ako naman si uto-uto, nagpaloko. Naghalo-halo na ang aking mga emosyon. Hindi ko na rin maramdaman ang kirot sa aking binti dahil pakiramdam ko ay namamanhid na ang buong katawan ko sa sobrang sakit. Pero isa lang ang sigurado ko sa mg

