Chapter 41 Bigla kong kinuha ang aking binoculars at nagmasid sa baba ng building. Nakita ko ang mga sasakyan na nagpark sa harap nitong lumang gusali. Isolated ang lugar na to kaya walang masyadong nakakapansin sa amin. Bumaba ang sandamakmak na tauhan ng Tenebrous at may dala silang mga armas. Kumagat din sila sa patibong. (Safronovs, position.) Agad naman kaming kumilos sa hudyat ni Agent Damien. Pumasok na rin si Yvonne sa 5th floor. Nagkalat ang mga agents ng Safronov sa loob ng building habang maiiwan akong mag-isa dito sa rooftop. May dala akong attache case na kunwari ay naglalaman ng mga pera at armas. (Are you in your position now, Agent Eve?) (Yes, Agent Damien.) (Good.) Gamit ang aking binoculars ay sinuri ko pa ang nagaganap sa baba. Pinasok na ng mga Tenebrous ang loob

