Chapter 16 Nandito ako sa desk ko sa headquarters at naghihintay lang na tawagin ako ni Queen Callisha para kausapin. Lumapit si Yvonne sa akin na may mapanuksong ngiti. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Tanong ko. "Wala. Niyaya kasi ako ni Agent Jake na magdinner mamaya." Here comes Yvonne and his harlem of boys. "Okay. Congrats." Walang gana kong sabi pero nanatili pa rin ang ngiti niya. Sumandal ako sa upuan ko at tinignan siya nang masama. "I know you have other things to say. Spill it." Humagikgik lang siya sa pagkainis ko. "Kwinento sa akin nung mga kasama mong agents yung nangyari sa bachelor's party. Parang bata ka raw kapag nakainom. Hihihi!" Inirapan ko lang siya. "I needed to do that for the mission. Hindi ako umiinom Yvonne. Bukod sa masama sa katawan, wala pang mabutin

