Chapter 5

1349 Words
Hayai mono gachi. The early one wins. -Japanese Proverb Chapter 5 Matiyaga akong nagbabantay sa labas ng lighthouse. Sa harap nito ay matatagpuan ang beach habang sa likod naman ay mga puno. Nagtatago ako sa mga puno at gamit ang aking binoculars, sinusubaybayan ko ang mga nangyayari sa paligid. Seriously, paano ba ko napunta sa ganitong sitwasyon? Ikamamatay ba ng reyna kung itetext na lang niya ang message sa pagdadalhan niya at wag na siyang gumamit ng messenger? The answer is.. yes. In our world, technology must not be trusted. Maaaring ihack o kaya itrace ito ng mga kalaban. O kaya malaman nila ang mga impormasyon sa mga messages na natratransfer. At para masligtas ang transaksyon, hindi lang isang messenger ang ipinapadala. Maraming messengers. Ibibigay ng unang messenger ang mensahe sa pangalawang messenger. Ang pangalawa ay ibibigay ang mensahe sa pangatlo hanggang sa makarating na ito sa pagdadalhan. Ganun kalinis kumilos ang mga Safronov. At hindi ko makakaya kung papalpak lang kami.. nang dahil sa nagawa kong kapalpakan. Kung binabalak man ni Radimir Henderson na agawin ang kwintas, hindi ko siya hahayaan. That necklace belongs to the Safronov, not Tenebrous. Matagal nang hinahanap ng mga Safronov ang kwintas na iyon. At ngayong nahanap na nila ito, plano na naming dalin ito sa Palace. Kaso dahil sa kapalpakan ko, baka hindi pa matuloy. Muli kong sinuri ang paligid. Dumating na ang mga Safronov. They are wearing clothes that reveal their tattoos. Tatlong agents at may kasama pa silang tatlong bodyguards. Pumasok na ang tatlong agents sa loob ng lighthouse at naiwan ang tatlong bodyguards upang magmasid sa paligid. Sigurado akong may mga iba pang bodyguards at agents ang nasa loob ng lighthouse. I should have known this. Kahit hindi pa ako pumunta dito, paniguradong matatalo rin si Radimir kung tatangkain man niyang nakawin ang kwintas. Unless... he brought other Tenebrous agents to accompany him. The thought makes me shiver. Bigla akong napatago sa puno na pinagtataguan ko nang makarinig ako ng tunog nang mabilis na motorsiklo. Sinilip ko kung saan nanggagaling ang tunog. A black NCR M16 is driving towards the light house. Ang bilis nang pagpapatakbo ng driver at ni hindi man lang siya gumamit ng helmet. I give him credit for that. Brave and... stupid. Nang nasa malapit na siya sa entrance ng lighthouse, hininto na niya ang kaniyang motor. Doon ko lang nakita nang masmalinaw yung mukha niya. Dangerous eyes. The kind of eyes that can make you shiver in just a stare. Muscular built. Tall man. And a skull is tattooed above his left ankle. A Tenebrous. Naghintay pa ko ng ilang mga segundo para abangan ang iba pa niyang mga kasama. Pero wala. Mag-isa lang niyang dumating para harapin ang mga agents at bodyguards ng Safronov. In this dangerous place, I laughed. I haven't laugh for a very long time. Nag-iisip ba ang lalaking ito? Kakalabanin niyang mag-isa ang mga Safronov. Yeah, brave and stupid. Bumaba ang lalaking iyon at naglakad papasok ng Lieutenant Lighthouse. Nakarinig ako ng mga suntok at sigaw na nanggagaling sa loob. Pati mga putok ng baril at mga bagay na nababasag at nasisira. Pumasok na rin yung mga bodyguards sa loob ng lighthouse at masmalalakas pa na putok ng baril ang narinig ko. Hindi ko na talaga mapigilang matawa. Ano ka ngayon, Radimir? Akala mo makakaya mong mag-isa ang sangkaterbang agents at bodyguards ng mga Safronov? Brave and.. stupid, stupid, stupid. We are well-trained. We are pro in fighting. It's so stupid for Radimir to underestimate us. Ilang minuto pa ay humina na rin ang mga sigaw at suntok na naririnig ko hanggang sa mawala ito. Hanggang sa ang naririnig ko na lang ay ang pagtawa ko. Asad. Arabic name for lion. "So.. that's the lion that they are boasting? Seems more like a dummy than a lion." "A dummy you say, Eva?" "Yup a dummy." "What do you mean by that?" "Dummy means a stupid person. Someone like.. the Asad of Tenebrous. Like Radi---" Napalingon ako sa lalaking kumakausap sa akin na tunog banyaga ang boses. Nanigas ang buong katawan ko. Napaurong ang dila ko. Nanginig ang mga daliri ko. How come that he's still alive? "Radimir." I whispered more to myself than to him. I locked my gaze on him. And somehow, I felt a bit of fear. Cause for the first time, I felt threatened by a Tenebrous. I felt helpless. How could I win over this lion? His body is badly wounded. Blood and wounds are all over his skin. And then my gaze went down to his right hand. He's holding the Safronov necklace. Safronov necklace. How did he.. how did he win? There were dozen of agents and bodyguards in the lighthouse. How come? "You're alive." I murmured, swallowing my disbelief. "Yes I am Eva—" "It's Eve." "But I love calling you Eva. Thanks for this, okay?" Itinaas niya yung kwintas na hawak-hawak niya. "I couldn't have done this without you." Ngumiti siya sa'kin nang nang-iinsulto at tinalikuran niya na ako. "Come back here, thief." "I'm not a thief. This necklace is mine now." Muli na siyang naglakad palayo. Ano sa tingin niya? Ganun na lang siya kadaling makakatakas sa'kin? Sa tingin niya hahayaan kong kunin niya ang kwintas na pagmamay-ari ng Safronov? I got my gun out and I shoot him. ~~ Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Gone was the care free man awhile ago. Here is a lion. A dangerous one. "Sinusubukan mo ko." Halata sa boses niya ang galit. Hindi na nga siya nakikipaglaro. Seryoso na siya. Wala pang isang segundo ay nasa harapan ko na siya at nagawa niyang alisin ang baril sa kamay ko nang hindi ko man lang napapansin. Nakatanggap ako ng isang malakas na suntok mula sa kaniya. Tumilapon ako sa ere hanggang sa tumama ang likod ko sa isang puno. Now this is the real Asad. Kitang kita ko pa rin na hindi niya magawang magalaw yung kaliwang braso niya dahil iyon ang tinamaan ng bala ko kanina. Iyon din ang kamay na may hawak ng kwintas. Wala akong panama sa kaniya kung lakas ang pag-uusapan. But one disadvantage of Tenebrouses: They act before they think. And maybe I can use it against him. Nagkunwari akong nasasaktan which is... totoo naman. Pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ako at nagkunwaring napilayan. "What now, Eva? Is that the best fight you can offer?" Lumakad siya papalapit sa akin na hindi pa rin niya tinatanggal ang nakakatakot niyang titig. He tried to pull me against him but I pretended to be resisting him. Kunwari ay nagpupumiglas ako para maslalo niya akong hatakin papalapit sa kaniya. At tama nga ako, hinatak niya ako papalapit sa kaniya kasabay nun ay ang pagkuha ko ng kutsilyo na nakatago sa aking boots at sinaksak ko kaagad ang binti niya. Nagulat siya sa ginawa ko at hindi niya ito inasahan. At iyon lang ang kailangan ko para magawa ang plano ko. Ginamit ko ang ilang segundo ng pagkagulat niya para agawin sa kaniya ang kwintas at tinadyakan ko ang kutsilyo na nasa binti niya upang masdumiin ang pagkakasaksak nito. Napasigaw siya sa sakit at agad akong tumakas. Tumakbo ako papalayo sa kaniya at agad akong sumakay sa aking McLaren F1. Pinaharurot ko agad ito at natatakot ako na baka masundan niya pa ako. Ginamit ko lahat ng katapangan ko para sumilip sa side mirror ng sasakyan. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa nakita ko. Nakita ko si Radimir na nakatingin sa akin nang masama at nakangiti. Yung ngiti na alam kong babalikan niya ko. At alam ko sa sarili ko na kaya niya akong balikan. At alam ko sa sarili ko na swinerte lang din ako. Nakalaban ko siya pagkatapos niyang talunin ang sangkaterbang agents at bodyguards ng Safronov. Malamang pagod na siya at nanghihina nang harapin niya ako. Ngunit maslalo akong nanginig sa takot nang makita ko siyang magsimulang pipilay pilay na maglakad papunta sa kaniyang NCR M16. Hindi pa rin niya binibitawan ang titig niya sa akin. Napalunok ako. May balak pa rin siyang sundan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD