NAPANGANGA ang mga pinsan ni Zai nang makita siya ng mga ito sa isang coffee shop kung saan niya sinabing magkikita sila. Bukod kasi sa nakita ng mga itong bumaba siya sa dyip ay iba rin ang damit niya mula sa palagi niyang isinusuot. Simpleng puting T-shirt, pantalon na walang brand at itim na ballet flats na tig-dalawang daan sa Divisoria ang outfit niya. Natawaran pa nga niya iyon ng singkuwenta sa tindera. "What happened to you?", kunut-noong tanong ni Jazeel nang makaupo siya sa tabi nito. Sa kanilang magpipinsan ay ito ang hindi niya gaanong nakikita kaya ito ang pinakanagulat na makita siya sa ganoong ayos niya ngayon. Wala siyang magagawa dahil kailangan niyang gawin ang consequence niya dahil hindi siya tumupad sa usapang hindi sila dapat makipagbalikan sa ex nila. Pero wala nan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


