Kinabukasan masayang bumungad sa akin si Jared habang nagkakape ako sa balcony. "Good morning, Honey ko," naniningkit ang mga matang sabi niya na noo'y naupo pa sa katapat na upuan. Akmang hahalik siya sa akin nang bigla kong maalala ang sinabi niya nang nagdaang gabi. "I will make you fall in love with and then I'll dump you the way you dumped me." Bigla akong kinabahan at natadyakan ko papalayo ang upuan niya dahilan para ma-out of balance siya. Pero sa kasamang palad nahila niya ako at kasabay niya akong bumagsak sa sahig. "Sorry," natatawang sabi niya na noo'y inabot sa akin ang isang kamay atsaka ako inalalayang tumayo. "Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong niya habang pinapagpagan ang dumi sa tuhod ko. Napaawang ang mga labi ko. Ibang Jared kasi ang nakikita ko ngayon. Lumingo

