2 Are you expecting a kiss from me?

2227 Words
 Gabi na noon pero hindi pa rin nagigising si Jared. Napasarap yata ang tulog niya. Maging ang pagkaing inakyat ay hindi niya rin nagalaw. Nakaupo ako noon sa balcony at nagpapahingan. Hindi ko maiwasang maisip ang kakatwang sitwasyong pinasok ko. Kung hindi kasi magbabago ang pakikitungo sa akin ni Jared siguradong isang taong impiyerno rin ang daranasin at titiisin ko. Pero huli na para umurong pa ako. Naluluha akong tumingin sa langit. Sa mga sitwasyong gaya nito, naiisip ko na sana, may mama ako na matatakbuhan. 'Yung yayakapin ako at sasabihing magiging ayos din  ang lahat. Pero aasa pa ba ako ngayon? Noon nga halos na kailangan ko ng ina, wala si Mama. Lagi akong mag-isa at kawawa sa school fair. Habang ang lahat ng mga kaklase ko ay nagkakasiyahan kasama ng mga magulang nila. Nakaupo lang ako sa isang sulok at luhaan ang mga matang nakatanaw sa kanila. Sa kabila ng yamang mayroon ako, ni minsan hindi ako naging masaya.  Kasalanan ko ba kung maghangad ako ngayon na maiba ang kapalaran ko at nang posibleng magiging mga anak ko? Hindi ko na napigilang maluha sa puntong iyon. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nababawasan ang bigat ng loob ko kapag naiisip ko ang nakaraan. Kung paano ako nagsakripisyo sa maling desisyon ng mga magulang ko. Kasalukuyan na akong nagpupunas ng luha nang mapansin ko si Jared na nakatanaw sa akin, pero mabilis siyang umiwas ng tingin at pumasok sa kwarto nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Agad akong tumayo at sinundan ko siya. Nakahiga na ulit siya sa kama nang datnan ko sa kwarto. "Kumain na tayo, nakahanda na ang dinner," aya ko sa kanya. Masama ang mukhang tumayo siya sa kama atsaka sumunod sa akin. Agad kong napansin ang pagsalubong ng kilay niya nang makita niyang nakaupo sa mahabang mesa ang mga kasambahay namin. Mula sa hardinero hanggang sa driver, lahat kasabay naming kumakain, gaya ng isang malaki at buong pamilya. Marami talaga ang napapataas ang kilay kapag kinukuwento ko iyon. Marahil hindi iyon normal sa iba, pero sa tulad ko na sabik sa pagkakaroon ng isang buong pamilya, blessing nang maituturing na mayroong mga taong itinuturing akong pamilya. Sila 'yung mga taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal na kailanma'y hindi ko natanggap sa sarili kong ina. "Are you sick?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Jared. Hindi ko alam na pinagmamasdan niya pala ako habang tamilmil ako sa pagkain. Iniisip ko rin kasi ang kasalukuyan naming sitwasyon. "No," pilit ang ngiting sagot ko. Pero tila hindi siya kumbinsido, kaya sinalat niya pa ang noo ko. "Are you sure?" kunot ang noong tanong niya. "Yeah," maikling sagot ko. Napaisip ako habang nakatingin ako sa kanya. Nagsisimula na kaya siyang umarte o talagang naaawa siya akin dahil nahuli niya akong umiiyak. Humipa na kaya talaga ang galit niya sa akin o parte 'yon ng pagpapanggap. Kung ganoon man, mukhang sanay na sanay siyang umarte, napalundag niya kasi ang puso ko nang salatin niya ang noo ko. Ramdam ko na totoo ang pag-aalala niya sa akin. Nakaupo kami isang bench sa garden noon  at nagpapahangin, nang biglang siyang magtanong sa akin. "Wala yata ang papa mo? Bakit hindi natin kasabay kumain?" Tumingin muna ako sa kanya bago ako sumagot. "Kapag gabi, hindi na sumasabay sa amin si Papa. Dinadalhan na lang siya ng pagkain sa opisina niya. Tambak kasi ang trabaho niya. Halos wala na siyang oras magpahinga. Maswerte na nga ako at nasalubong niya ako sa airport kanina. Lagi kasi siyang abala sa negosyo niya kaya halos hindi na kami nagkikita. Kaya nga gusto na niya akong mag-asawa para raw may tutulong na sa kanyang magpatakbo ng company. "Madalas nga kumakain akong mag-isa noon, sa mahabang mesang 'yon. Sobrang lungkot ng buhay ko noon. Kaya inaya ko ang lahat ng kasama namin sa bahay na sumabay kumain sa akin. Para naman ma-feel ko na may pamilya rin ako. Tuwing summer vacation lang kasi ako nagkakapamilya, kapag dinadala ako ni Papa kila Lola. Later on, nalaman 'yon ni Papa at hindi naman siya tumutol. Kalaunan nakikisabay na rin siya sa aming kumain," kwento ko. Hindi na kumibo si Jared. Hindi ko alam kung na-absorbed niya ba ang bigat nang pinagdaanan ko o na-boring na lang siya sa kwento ko. "Nagpapaawa ka ba sa akin? Paraan mo ba 'to para makuha ang simpatya ko? Kinasabwat mo pa talaga sila para lang ipakita sa akin ang kaawa-awa mong buhay," naiiling na sabi niya. Napaawang ang mga labi ko. Hindi ko akalain na ganoon na pala ang tumatakbo sa isip niya. Na pinlano ko pati iyong pagsabay sa aming kumain ng mga kasambahay para makuha ang simpatya niya. Medyo mahirap talagang paniwalaan iyon, pero hindi ko naisip na pagduduhan niya pati yon. Ganoon siya kawalang tiwala sa akin. Pilit kong pinipigilang maluha sa harapan niya. Kailangan kong tatagan ang loob dahil siguradong patikim pa lang ito sa mga posibleng maanghang na salita na matatanggap ko mula sa kanya. Hindi ako pwedeng sumagot o mangatwiran, dahil hawak niya ang alas. Ano mang oras mula ngayon pwede niya akong takbuhan.  Pinilit kong pasiglahin ang mukha ko na tila hindi apektado sa mga sinabi niya. "Bahala ka nang isipin kung ano ang gusto mo. Pwede ka na nga palang lumabas ng bahay. Sabihin mo lang kung may kailangan ka. Pati na rin kung ano ang maitutulong ko sa negosyo mo. May personal savings ako, pwede mo 'yung gamitin para sa negosyo mo. Basta siguraduhin mo lang na tutupad ka sa usapan natin," sabi ko. Napakunot ang noo ni Jared. "So, ano? Pina-plano mo na rin pati buhay ko?" "Ayaw mo ba?" alanganing tanong ko. Napakunot ang noo niya. "Look, hindi mo kailangang sabihin sa'kin kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat  gawin dahil ayoko sa lahat, ang dinidiktahan ako," mariing sabi niya. "Hindi kita dinidiktahan. Pinapaalalahanan lang naman kita."  Lalo pang nag-init ang ulo ni Jared sa sinabi ko. "Bakit ano bang mapapala ko sa set up na 'to? 'Yung perks of being your fake husband, na libreng halik at yakap? Benefits bang maituturing 'yon? Okay sana kung ako lang ang makakauna sa labi mong 'yan. Eh, obvious namang sanay na sanay kang makipaglokohan," mariing sabi niya.  Sa dami na ng nabaito niyang masasakit na salita sa maghapong iyon tuluyan na akong bumigay. Matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya. Tila gusto ko nang pagsisihan kung bakit ako pumasok sa sitwasyong iyon. "Sige, since mukhang hindi na ko makakalabas sa kalokohang 'to, pagbibigyan kita. Gagampanan ko ang pagiging asawa sa'yo pero hindi mo na ako kailangang turuan nang kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin. Kikilos ako ng natural gaya ng ginagawa ng asawa sa asawa niya." aniya na noo'y nakatitig sa akin. May parang kung anong bumara sa lalamunan ko at napalunok na lang ako. Nababanaag ko kasi ang galit sa mga mata niya kahit sa malamlam na liwanag ng ilaw na tumatama sa amin. Bahagya siyang dumukwang atsaka niya  inilapit ang mukha niya sa akin. "Bakit parang kinakabahan ka? Hindi ba ito ang gusto mo?" naniningkit pa ang mga matang sabi niya. Bahagya ko siyang  itinulak papalayo pero mas lalo pa niyang  inilapit ang mukha sa akin na halos mahalikan na niya ako. "Ginulo mo ang nanahimik kong mundo kaya humanda ka. I will make you pay for this," nakangising sabi niya sabay pisil sa baba ko. Unti-uti niyang  inilapit ang mukha niya sa akin at mariin akong napapikit. Napadilat na lang ako nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Are you expecting a kiss from me?" nanunuya pang tanong niya. "This guy is trying to drive me crazy." Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko noon lalo't todo ang ngisi niya sa akin. "Are you playing games with me?" pigil ang galit na tanong ko. "Bakit hindi ba laro ang tawag mo rito? Sa tingin mo magseseryoso ako sa set-up nating 'to?" singhal niya sa akin. "Can you lower your voice?" mahinang sabi ko nang mapansin ko ang aninong parating. "Ngayon natatakot ka sa sarili mong palabas?" nang-aasar pang sabi niya. "Jared, please. Alam kong nasa iyo ang lahat ng dahilan para magalit sa akin. Pero huwag mo naman akong ibuking ngayon please," pakiusap ko sa kanya. Naputol ang usapan namin nang biglang dumating si Lisa. Sa kanya marahil ang anino na natanaw kong paparating. "Ma'am, Sir, kape muna po kayo," nakangiting sabi nito. Mabuti na lang at hindi nito narinig ang pag-aaway namin. "Salamat, Lisa," nakangiting sabi ko at pasimple akong tumalikod para ikubli ang namumuong luha sa mga mata ko. Nakaalis na noon si Lisa nang maramdaman ko ang pagyakap ni Jared mula sa likuran ko. "Papunta rito 'yung papa mo," bulong niya sa akin. Hindi ako nakakilos noon mula sa kinatatayuan ko. Tila may gumapang na kuryente sa buo kong katawan, lalo pa nang maramdaman ko ang banayad niyang paghinga na tumatama sa likod ng tenga ko. Iyon ang unang beses na nayakap ako ng isang lalaki. Kaya halos manlamig ang buo kung katawan. Pikit-mata akong nagpaubaya sa mga yakap na iyon sa pag-aakala kong paparating nga si Papa. Pero ilang saglit na ang nakakalipas ay wala pa rin si Papa kaya dahan-dahan akong bumitaw at humarap sa kanya. "Nasaan si Papa?" tanong ko atsaka ako tumingin sa paligid. "Baka hindi tumuloy nang makita tayo," sagot niya habang inaabot ang tasa ng kape na nakapatong sa mesa. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya nang totoo o parte pa rin iyon ng pakikipaglaro niya sa akin. Hindi na ako kumibo. Pagod na rin naman ako sa pakikipag-argumento sa kanya. Nang matapos siyang magkape, nagpatiuna na siyang umakyat. Naiwan akong mag-isa garden. Ramdam ko na noon ang lamig ng gabi habang dumadampi sa balat ko ang malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili ko. Ano nga ba itong napasok ko? Tama ba na pinauubaya ko ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko lubusang kilala?  Papasok na ako sa kwarto nang maulinigan kong may kausap sa cell phone si Jared kaya bahagya akong natigilan. Ipinaalam niya sa kausap niya na nakarating na siya sa Pilipinas pero hindi pa siya makakauwi dahil may importante pa siyang inaasikaso. Marahil ang tinutukoy niya ay ang kasalukyan naming sitwasyon. Tapos na siyang makipag usap nang pumasok ako sa kwarto. Dire-diretso lang akong naglakad papunta sa cabinet para maglabas ng kumot at unan. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Jared. Nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng gamit atsaka ako naglakad papunta sa mahabang sofa. "Dito ako matutulog," walang emosyong sabi ko. "Bakit? Natatakot ka sa sarili mong palabas? Ngayon ka pa talaga natakot sa akin, ngayong na-trap mo na ako sa sitwasyong 'to?" nanunuyang tanong niya sa akin. "Bakit naman ako matatakot sa'yo, eh, pamamahay ko 'to," kunot ang noong sagot ko. Hindi ko na kasi matiis ang panunuya niya sa akin. Tumayo siya atsaka hinila ako at itinulak papahiga sa kama at pagkatapos ay dumukwang siya sa akin. Itinukod niya ang magkabilang kamay sa kama at ikinulong ako sa mga bisig niya. Halos magdikit na noon ang mga labi namin. Ramdam ko pati ang init ng paghinga niya. "Bakit hindi mo ko tabihan sa kama?" naniningkit pa ang mga matang sabi niya. Tila nagsisimula na naman siyang makipaglaro sa akin. "Ano, natatakot ka na sa akin? Ayawan na ba?" natatawa pang sabi niya na halos nakadagan na sa akin. Buong pwersa ko siyang itinulak papalayo atsaka ako nagmamadaling tumayo. Kinuha ko ang kumot at mga unan sa sofa at buong tapang akong umakyat sa kama. Nahuli ko pa ang pagngiti niya habang pinapanood akong inihahanay ang unan sa pagitan namin. Kailangan kong patunayan at ipamukha sa kanya na hindi ako katulad nang iniisip niya. Na hindi ako maduming babae. "Ayos ah. May bakod ka pa. As if naman gagalawin kita," natatawang sabi niya sa akin. Wala na akong pakialam noon sa kung anong sasabihin niya. Ang importante ay mabantayan ko ang sarili ko buong magdamag. Umaga na nang maramdaman ko ang pagdantay ng kamay niya sa akin. Sasapakin ko na sana siya noon pero bigla akong natigilan nang mapansin kong tulog na tulog pa rin siya. Naisip ko na baka hindi naman niya iyon sinasadya kaya maingat na lang na inalis ko ang kamay niya na nakadantay sa akin. Doon ko siya panandaliang napagmasdan. "Mukha naman pala siyang mabait kapag tulog," nangingiting sabi ko. Ang amo kasing tingnan ng mukha niya. Hindi mo iisiping may itinatagong kasutilan. Kumilos ang mga kamay ni Jared payakap sa akin kaya nakulong ako sa mga bisig niya. Nagpumiglas ako dahilan para magising siya at bumitiw sa akin. "Anong ginagawa mo?" kunot ang noong tanong ko sabay sapik sa dibdib niya. "Anong ginagawa mo?" ganting tanong niya. Nagmamadali akong bumangon at hinarap ko siya. "Ikaw kaya itong kumabig at bigla na lang yumakap sa akin," sabi ko. Natatawa namang bumangon siya at naupo paharap sa akin. "Ganyan palang takot ka na? Alam mo bang may mas higit pa diyan ang pwede mong maranasan sa pinasok mong 'to? Sleeping with  stranger? Hindi ka ba talaga natatakot sa akin?" kunot ang noong tanong niya. Kinilabutan ako sa sinabi niya at napayakap na lang ako sa sarili ko. May katotohanan kasi ang sinabi niyang iyon. Wala naman talaga akong laban kung pupuwersahin niya ako. "I'm sorry," sambit ko. "Don't say sorry for me. Say sorry for yourself," nangingiti pang sabi niya habang nakatitig sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD