Nang makabalik kami sa Manila, agad kong kinausap si Papa tungkol sa nangyari sa daddy ni Jared. At nangako naman si Papa na pagbabayarin niya ang dapat magbayad sa nangyari sa daddy ni Jared. Nagkataon pa naman na construction firm din ang company nila Jared. Hawak ni Papa ang halos lahat ng maliliit na construction firm sa bansa kaya agad siyang nagpa-imbestiga. Hindi ko na ipinaalam kay Jared ang plano ko dahil alam ko naman na hindi siya papayag na tulungan ko siya. Sosorpresahin ko na lang siya sa sandaling mabawi na namin ni Papa ang kompanya. Kumakain kami noon nang hapunan nang bigla kaming tanungin ni Papa. "Ano na ang balak niyo ngayong mag-asawa?" Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Jared bago ako nakasagot. "Wala pa po, Pa." "Engineer ka hindi ba? Bakit hindi ka magtrabaho

