15 The sweet finale

2923 Words

Hindi ko alam kung paano niya napatigil ang luha ko. Basta napansin ko na lang na hindi na ako umiiyak. Siguro naramdaman ko rin na totoo ang lahat ng sinasabi niya kaya parang magic na naglaho agad ang sama ng loob ko. Sapat na marahil ang mahigpit niyang yakap para maramdaman ko ang totoong pagmamahal niya sa akin. Bumitaw sa akin si Jared atsaka niya ikinulong ang mga pisngi ko sa palad niya. "Matagal ng wala si Kate at hindi mo siya dapat kinakatakutan. Burahin mo na siya sa isip mo," sabi niya na nangingiti pang itinuro ang noo ko. Napatulis na lang ang nguso ko. Natatawang dinampian niya ng halik ang labi ko. "May good news pa naman sana ako sa'yo. Ang pangit ng timing," nangingiting sabi niya. "Anong good news?" kunot ang noong tanong ko. "Naipagtapat ko nang lahat kay Papa a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD