2

2110 Words
Hindi ko na yata mabilang kung ilang ulit na akong natutulala dahil sa pagbalik-balik ni Sir Gab doon sa katapat na hallway. Para bang aligaga ito at pinagpapawisan, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. Siguro may problema? O nagkaproblema sa klasi? Ewan ko, gusto ko mang malaman ay puro kurot naman ang natatanggap ko mula kay Purple. “Ano ba yan, may dala bang gayuma si Sir Gab at bakit para kang baliw na natutulala diyan? Di hamak na mas gwapo si Kuya Trav, ilang retoke pa ang kailangan ni Sir bago matapatan yon.” Irap nito. Sinimangutan ko ito at ibinaba ang mga mata. Ayaw ko talagang makipagtalo kapag tungkol na sa pisikal na anyo. Talong-talo talaga si Sir Gab e, totoo namang walang-wala ito kay Travis. Hindi pisikal ang basihan. Yon sana ang gusto kong sasabihin, kaso hinigit na kami ni Dastine at sinabing manlilibre daw ito ulit ng kape. Bugbog na bugbog na naman ang utak namin dahil sa sobrang daming kailangang tapusin. Parang feeling fourth year na kahit hindi pa nga nangangalahati. Minsan nagsisisi ako kung bakit ito pa ang kinuha... kaso naalala ko rin, di kaya dahil nakikita kong maganda naman ang trabaho ni Travis at kumikita siya ng malaki mula dito? Yon nga yata... “Kung sinabi mo na lang sana na ayaw mo noon, di sana’y malaya ka pa rin? Girl, ang laki na ng eyebags mo!” Halakhak ni Purple. Talagang hindi ko pinapatulan ang mga tukso nilang ganito, minsan ngumunguso na lang ako o kaya sumisimangot. Wala rin kasi akong maidahilan, lahat sila ay may punto. Pwede naman akong umayaw noon, pero siguro dahil hindi pa mulat at sadyang nagagwapuhan kay Travis noon e pumayag kaya ayon... kinasal sa ibang relihiyon. Kung ano-ano na lang ang pinag-uusapan namin, siguro nabored na rin sa dami ng kailangang pag-aralan. Pagkatapos si Lala ibinibida iyong pinsan niyang si Claire na uuwi nga raw ngayong bakasyon at gusto kaming makilala. May pagka-kikay daw yon, tapos liberated dahil laking US... ang sabi pa ay 14 lang ng nawala ang virginity. Natigilan tuloy ako at napatitig kay Lala... may iniisip akong hindi dapat. Nagtataka rin siyang napatitig sa akin. Ngunit tumuloy na naman sa kuwentuhan. Napailing din ako at nanlalamig na uminom ng kape. Hindi ko dapat iniisip si Travis, obviously... ‘tong kasal namin ay dahil kailangan lang. Hindi ko naman yatang obligadong ibigay ang sarili sa kanya. Tsaka sa dami ng babae niya, di naman siguro kailangan iyon. Uwian na nang napatitig ulit ako kay Sir Gab, hilaw ang ngiti nito habang kausap ang isang chinitang estudyante. Parang dumadakdak yata kasi kunot ang noo at hindi makatitig kay Sir Gab na malalim ang pagkakatitig doon. Napatalikod lang ako noong napansin na bumaba ang malapad, maitim at maugat nitong kamay sa bewang ng estudyante. Hindi ko gusto ang nakita, mas lalo nga lang nang nakita kong nakatayo na si Travis malapit sa pedestrian at kumakain ng streetfoods. Kumaway ito, hindi yata napansin ang mga dumaang estudyante na halatang kinikilig. Talagang gwapo naman si Travis pero kasi, wala siyang appeal sa akin. Iyong mukha niya masyadong malinis, I mean, may ilang tubo naman ng bigote kaso kasi... masyadong good boy... sa panlabas. Disappointed din ako sa pinaggagawa nito, kulang na lang magkasakit dahil sa dami ng mga babaeng binubomba niya. Ayaw ko pa naman sa ganoon, “Bakit mo’ko sinundo?” Nguso ko at kumuha ng ilang stick ng streetfoods doon sa kaharap na cart. Kumain akong hindi naghintay sa sagot niya. Alam ko naman kaya lang gusto ko ring malaman mula sa kanya. Ginalit ko ba naman... “Isang daan, Boss...” Dumukot siya at binayaran ang kinain namin. Sumunod ako sa kanyang yakap ang mga libro at nasa likod ang canister. May tote bag din ako sa balikat at nasa kamay ko naman ang cellphone, naghihikahos ang mga gamit sa sobrang dami. “Baka sa kung saan ka na naman... magulat na lang ako isang araw baka nakikipagdate ka na sa kung sino-sino.” Sagot nito, nye... ang tagal sumagot, napanis na sa isipan ko ang tanong kanina... ngayon lang sumagot. “Lol, nagseselos ka sa lagay na yan?” Irap ko dito. Natawa ito, iyong tawa na parang nang-iinsulto. Tinulak niya nga ako papasok at kinuha ang dulo ng seatbelt para maiayos sa akin. “Asa... wala ka ngang dibdib, paano ako magseselos sa’yo?” Sulyap nito sa tapat kong nakikita na dahil nilapag ko sa dashboard ang mga dalang libro kanina. Isang malalim na irap ang binigay ko dito at hindi sumagot. Nireply’an ko lang sandali ang mga kaibigan at sinabing nasa sasakyan na ako ni Travis at pauwi na kami. All capslock pa ang tawa ni Purple, alam kong nanunukso na naman iyan kahit walang sinasabi. “Kailan ba matutubuan yan? Yan na lang ang hinihintay ko, Cat...” Naniningkit ang mga matang hinampas sa kanya ang nahablot na libro. Tawa naman siya ng tawa habang inaangat ang braso, kumunot tuloy ang noo ko pagkakita na parang nadepina yata ang muscles nito. Biglang sumikip ang manggas at ilalim ng kilikili niya. Tapos nakablack wrist watch pa siya kaya dumagdag sa inis na nakikita ko ngayon. Isang irap pa e tinalikuran ko na ito at hindi sinasadyang mapatitig sa hinaharap. Nag-init tuloy ang pisngi ko at inabala ang sarili mula sa tanawin sa labas. “Nga pala, your Mom wants us to visit them this weekend.” Tumango ako, hindi pa rin lumilingon at talagang pinanindigan ang pagtitig sa labas. Memorize ko na ang daan at alam ko rin kung ilang bahay pa bago ang Mang Angel’s, isang kainan na dinayo namin noon nina Purple, Lala at Dastine... ngayon kasi, hectic kaya wala pa kaming oras para bumalik doon. “What do you want for dinner?” tanong na nito, hindi yata nakatiis sa katahimikan. “Ikaw ba ang magluluto?” Baling ko, siguradong nabasa niya sa mukha ko iyong pagdududa. Tinawanan nga ako at umiling. “Di naman pala, kung makatanong... titingnan ko pa nga mamaya kung may laman pa ang ref. Baka kasi inuwi ng mga babae mo.” Mas lalong humagalpak ang tawa nito. Anong nakakatawa roon? Tama naman talaga, inuuwi ng mga babae niya iyong laman ng ref. Naubos nga ang gummy bears ko do’n kasi pinapapak na nga e inuwi pa ang isang supot. Hindi ako makapagreklamo kasi hindi ko naman pera ang pinambayad no’n. Minsan ako na lang ang umiintindi. Kahit kadalasan ay nag-iinit ang ulo ko kapag napagkakamalang nakababatang kapatid ni Travis. Hindi ako katangkaran, minsan mas matangkad pa ang mga babaeng dala niya do’n... pero minsan naman ako ang mas matangkad, tapos... mukha pang bata. ** Trav** Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik ni Catliah. Naninibago ako, madalas naman itong madaldal. O kaya nang-iinis. Titig na titig ako sa kanyang naglilinis ng mesa o kaya ng kubyertos na hindi pa naman nagagamit. Parang aligaga... I wonder why, gusto kong magtanong kaya lang sa mood niya ngayon, parang masasabon ako. Saktong tumunog ang hawak na cellphone kaya naputol ang pagtitig ko doon. Kunot pa noong una ang noo ko habang binabasa ang isang text, hindi ko maalalang may pinagbigyan ako. O baka meron? At talagang hindi ko lang maalala. ‘Who are you?’ ‘Travis naman! Hihi, si Cathy ‘to...” Napaupo ako nang matuwid, madalas naman akong nakakatanggap ng ganitong text. Mga babaeng dumaan sa buhay ko... baliwala na sa akin pagkatapos na matikman. Ang iba nama’y nakakaintindi kaya lang may iba ring habol ng habol. ‘Yes Cath, I remembered you! May kailangan ka?’ Napakagat labi tuloy ako at napasilip din sa kusina. Nandoon si Catliah, nakaapak sa upuan at inaabot sa itaas ang ilang kubyertos. Kumabog ang puso ko habang nakatitig sa humuhulma nitong matambok na pwet sa suot na daster na paborito nitong suotin. Hindi ako mapakali, lalo na at nakataas ang braso nito, mas lalong naging klaro sa akin ang makinis at maputing balat... pumikit ako nang mariin at pinagpag ang hita. ‘Let’s meet, I’ll pick you up. Drop you exact location now.’ Pumikit pa ako nang isang beses habang inaalala ang mukha ni Catliah kanina. Nakanguso ito, mas namula ang labi... naniningkit nga lang ang mga mata... ang maganda nitong mga mata. Sakto lang talaga ang tangos ng ilong nito, kaya siguro napagkakamalang bata. Hindi rin katangkaran umabot lang hanggang kilikili ko. Dagdagan pa na kutis bata, maputi... mabilis mamula, at makinis. Para siyang kumikinang. “Hi Trav,” bungad ni Cathy, nakilala yata kaagad ang dala kong sasakyan. Sumilip ito sa bintana kaya pinagbuksan ko. Titig na titig ako sa mga mata niyang parang kumikinang. Naalala ko si Catliah, pati pangalan ay parang magkapareho. Dinala ko kaagad sa Sogo, pinakamalapit na pwedeng pagdalhan. Hindi ko na pinatagal. Kanina pa ako nalilibugan. Puta naman kasi, ano ba itong nararamdaman ko? Parang kulang... parang may hinahanap ako. Hindi ko maabot, nangingisay na si Cathy habang binabayo ko, mabilis at malalim. Mainit sa loob, basa at madulas... kapit na kapit. Ramdam ko kahit nakasuot ng condom. Kaya lang, hindi ko pa rin maabot. Pumikit ako at inalala ang nakangusong mukha ni Catliah... “Ohh fvck!!! Travvvv... I’m cvmming again!!! Oooh s**t! s**t! Ang saraaap niyannn!” Nakatitig ako sa mukha ni Cathy, nakapikit nang mariin. Nakaawang ang labi at namumula ang pisngi. Kontento ito sa nangyari, ako lang... ang hindi. Gusto kong magpatuloy, lalo na at sabay sa paghinga niya ang pagsikip ng butas sa ibaba. Kaya lang, nawalan na ako ng gana. Nagpaalam ako sa kanyang magc-CR lang. Susubukan kong magsalsal, tulad ng mga ginawa ko noon. Kaso naibato ko ang sabon, puta... ano ba ‘to? Kailangan ko na naman bang magtiis? Pakiramdam ko mababaog ako dahil sa sunod-sunod. Masakit sa puson... tulad ng mga nauna. “Hihi, thank you Trav... text mo’ko kung kailangan mo ulit.” Ngumiti ako at inabot ang pakonswelo. Tinuro niya ‘to kanina malapit sa entrance ng Mall. Pakiramdam ko gusto nito iyong bilhin, ayaw lang magsabi. “Thank you!!” Mas lalo itong natuwa at humalik pa ng isang beses. Umuwi akong masakit ang puson, tigas na tigas at ayaw humupa. Napapagod ako sa kakadilat, medyo kumalma na ako kanina... kaso sa isang pikit lang bigla na namang nabuhay, nanigas at ngayo’y masakit ang puson. Sumpa yata... ** Catliah ** Sinabihan ko siyang turuan niya ako kasi hindi ko na naman makuha ang tamang anggulo. Sinukat ko naman, pero kulang... hindi nagpapantay. Kailangan ko pa naman ang tulong niya kaso ang pabling, may dalaw yata at tinutupak. Nag-iinit pareho ang ulo namin. Di ko alam kung sino ang magpapatalo, o kung sino ang unang susuko. Naiintindihan ko kung ayaw niya... nakakapagod kayang magturo. Pero sana wag niya kamo akong sigawan. “Bahala ka! Magluto ka ng sa’yo! Sa school ako kakain!” Sigaw ko dito at dali-daling kinuha ang mga gamit. “Catliah!” Buong boses niya ang sumabog sa bahay. Wala akong pakialam, galit siya? Galit din ako! Ano siya?! Di porke’t siya ang gumagastos para sa akin ay may karapatan na siyang sigawan ako nang ganoon? Puro mukha lang ang meron siya! Hindi siya si Daddy para pagsalitaan ako nang kung ano-ano. Hindi ko siya kadugo para ganunin lang ako... Asawa mo siya, Catliah! Natigilan ako sa paghakbang, pero dahil inis ako ay inilingan ko iyon at tumakbo para makahabol ng unang trip. Siksikan pa naman basta’t rush hour. Halos maumpog ako sa dami ng mga taong nakatayo, ako pa yata ang pinakamaliit. Naiinis ako, kaya lang kailangan kong tiisin iyon. Pinili kong umalis ng bahay, pinili kong hindi makisakay kay Travis. Kaya... titiisin ko. “Okay ka lang Miss?” Siyang bungad ng lalaking nasa bahagyang unahan. Lumingon ito, hindi ko alam kung bakit. Tapos nakita akong nahihirapan habang nakatingkayad at kumakapit sa kapitan sa itaas. “Upo ka dito,” ngiti niya at tumayo. Tumango ako at nagpasalamat. Tumingala ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin, siguro kaedaran ni Travis. Para ngang may kamukha hindi ko lang mapoint out... baka minsan ko nang nakasalubong at tumatak sa isipan ko ngunit siguro dahil sa tagal ay nakalimutan ko na. “Salamat Kuya, ah?” Paalam ko dito habang bumababa. Lumingon pa ako ulit, nakita ko siyang may pinaupong matanda... napangiti tuloy ako, atleast nabawasan man lang ang inis ko ngayong umaga. “Oy! Himala! Hindi ka si Panda ngayon!” Halakhak ni Purple. Ngumiwi ako at nagkuwento sa away namin ni Travis. Halos mamilipit ang leeg ko sa sobrang inis. “Normal lang yan, di naman pwedeng laging bati ang mag-asawa.” Ngisi ni Lala. Lalo akong nagwala sa kakakuwento kung anong inis ang naramdaman ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD