18

2093 Words
Tuloy pa rin ang buhay kahit na anong mangyari. At sa loob ng siyam na buwan napatunayan ko nang hindi pala madali ang magsimula ulit sa una. Pakiramdam ko nangangapa ako sa bagong buhay na kinakaharap. Malamig pa rin ang tungo sa’kin ni Mommy. Alam kong galit pa rin ito sa desisyon ko noon. Mali na kasi, yon sana ang gusto kong sabihin sa kanya kaso hindi nakikinig. Gusto kong ipaintindi sa kanya yon ngunit sa tuwing sinusubukan ko ay siya itong umiiwas. Siguro nga mahirap magpaliwanag sa taong sarado ang isip. Kaswal si Daddy sa’kin, ang mga kapatid ko nama’y walang pakialam kung anong mga nangyayari. Parehas silang hindi na nakatira sa bahay at ako na panganay ay naging palamunin dito. Mas maluwang sa akin kapag nasa eskwelahan ako, mas gusto kong nagtatagal doon kesa manatili dito. Pinaparamdam sa akin ni Mommy na hindi na ako welcome sa pamamahay niya. Gusto ko nga sanang humiwalay na at maging independent kaso iniisip ko pa lang ang gastusin ay parang pinanghihinaan na ako ng loob. “I saw Claire last week,” sabi ni Lala habang umiinom ng kape. Tanghaling tapat at mainit pero nandito kami sa loob ng isang sikat na coffee shop at umiinom ng kape. Pare-pareho pa naman kaming stress dahil sa biglang pag-iba ng professor at maraming binago sa mga gawain. Pakiramdam ko tumanda ako ng ilang taon. “Sila pa rin siguro,” sabi ko na ikinalingon nilang lahat. Ngumiti ako at hindi nagpatinag. Unti-unti ko nang napapatawad ang sitwasyon. Siguro nga hindi talaga kami para sa isa’t isa. Trial and error lang yon at nang nagkamali ako ay pare-pareho kaming nagduda. “Imposible! Umiiyak nga iyon eh! Pinagalitan pa ni Tita kasi parang buang na hindi mo maintindihan. Pakiramdam ko brokenhearted... kaya umuwi sa kanila.” Irap ni Lala. Lumunok ako at tumitig kay Sir Gab na nakatitig din sa akin. Minsan nahuhuli ko siyang nakatitig pero hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. Siguro may nagawa ako? Pero ano para bigyan niya ng mga ganyang titig? Si Dastine ang higit na nakakapansin noon. And even her, I think she’s scared also. Ramdam ko ngang may kakaiba... madilim at parang nang-uuyam. “Report na kaya natin? Ha? Cat?” Kinakabahang suhestyon ni Dastine nang sabay kaming naglalakad sa quadrangle. Gusto ko nga sana pero minsan lang naman iyon. Ngayon nga na kahit magkatabi kami sa cafeteria ay hindi naman ako nito binigyan ng mapang-uyam na titig. Baka may nagawa lang ako kaya ganoon. Siguro nga praning lang ako. O kung ano... Pagkatapos ng klasi ay dumaan na muna ako sa Mall at namili ng mga kailangan sa plates. Tinititigan ko at pinag-aaralan nang mabuti ang mga nakikitang tools. May ilang binalik ko sa lalagyan at may ilang kinuha ko para bilhin at gamitin. Abala pa ako sa pagtingin-tingin nang tumawag si Dariah. Siguro may papakiusap o kung ano. Madalas kasi itong tumatawag kapag nagpapatulong sa assignment. Si Chelsa nga e walang pakialam palibhasa kasi ay likas na matalino na kaya hindi na kailangan ang tulong ko. “Kita tayo, Ate. I’m in the Mall right now.” Pagkatapos ay nagmention na ito ng pangalan ng Mall, dito sa kung nasaan ako ngayon. Nakipagkita na kaagad ako sa kanya at nakitang nandoon siya sa harap ng isang pizza store. Natulala ito habang nakatitig sa mukha ko hanggang sa ngumisi na nga ng tuluyan. “Alam mo Ate Kuting... para kang brokenhearted. Talagang ganito kaiksi?” Tawa ito ng tawa habang hinihila ang maiksi kong buhok. Itim na itim iyon, natural na maitim... at medyo kulot nga kaya hindi pantay at hindi magkakapareho ang direksyon. Medyo magulo nga e kaya kailangan ko pang ipitin at lagyan ng ipit. “Pero, infairness naman ate... bagay sa inyo, sobrang bagay. Medyo nagmatured kayo ate ah? Tumangkad ka rin. Siguro yan ang epekto ng hiwalayan niyo ano? I’m sure gagapang si Kuya Travis pag nakita kang ganyan na kaganda.” Sinamaan ko ito ng titig at pinatahimik. Ano naman ang magiging reaksyon ni Travis? Napag-usapan na namin ‘to at klaro na wala ng gagapang sa’ming pareho. “Kinausap ko si Mommy,” sabi nito pagkatapos na bumalik at dala ang inumin. Hihintayin na lang namin ang piniling pizza. “Tungkol saan?” Kunot noong baling ko dito. “About the same arrange marriage.” Kinabahan kaagad ako pagkarinig pa lang noon. May pinaplano na naman si Mommy? I thought she learned from my mistake? Hindi niya ba nakita kung anong pagdurusa ang pinagdaanan namin ni Travis? Na ngayon pinaplano niya namang gawin sa nakababata kong kapatid? At goodness! 16 lng si Dariah! “Dar, tutulungan kita para matigil na si Mommy.” Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Ayaw na ayaw kong maranasan nila yon. Siguradong magiging miserable sila kapag ipinagpatuloy pa rin ang paniniwala ni Mommy. “Ate! Nukaba! I’m fine with it! Gusto ko yong lalaki!” Halakhak nito at inalis ang kamay ko. Kumunot ang noo ko at hinuli ang kamay niya para pigain ng mariin. “Alam mo ba ang sinasabi mo Dariah?! Walang atrasan iyan! Once you turned 18 ireregister ka ni Mommy para maging legal kayo sa papel! You’re a minor! For goodness’ sake! Mommy is insane!” Nagpapalatak na sabi ko. Mas lalo itong natawa, “Gusto ko nga si Julius, Ate! Hindi siya parehas kay Kuya Travis na puro pambabae ang inaatupag! At pareho kaming minor... there’s no grooming there!” Umiiling-iling ako. Ayaw ko pa rin! Totoong magiging miserable siya rito. Pareho pang menor de edad. ‘Pag natanto na nilang hindi sila masaya ay magiging huli na ang lahat. “Kakausapin ko si Mommy, Dar...” Masama ang titig nito sa akin at hindi na umimik. Naranasan ko na iyon. At sising-sisi ako kung bakit hinayaan ko. Tahimik kaming nilalantakan ang pizza. Ka-chat ko ang mga kaibigan at gusto sana nilang lumabas mamayang gabi. Alam ko na kung bakit kaso dahil sa paniniwala ni Mommy at sa nangyari sa’min ni Travis ay pakiramdam ko sinasadya niyang wag icelebrate ang kaarawan ko. Nasa legal na edad at pakiramdam ko ay ganoon pa rin. “Happy Birthday ulit, Ate Kuting.” Kahit masama ang loob nito sa akin ay binigyan niya pa rin ako ng halik sa pisngi bago kami naghiwalay. Tumango ako at nagmamadaling umuwi. Gusto ko nga sanang kausapin si Mommy kaso ang sabi naman ni Ate Lea, iyong bagong katulong, ay wala siya at kasama si Daddy na may pinuntahan nga raw. Umakyat na lang ako at naligo, tapos nagsuot ng body hug na strapless at leather na kulay itim na maiksing palda. Nagflat na lang din ako kasi pakiramdam ko mapapagod lang ako mamaya. Ang sabi pa naman ni Lala maggegate crash daw kami sa isang club. Legal na naman ako, tumangkad na rin at nagkakalaman. Hindi naman ako pagdududahan mamaya. At saka kasama ko ang mga kaibigan, siguradong pagtatakpan ako. Pero syempre dinala ko lang yong student id ko na may sariling kaarawan sa likod. “Naks naman o! Tinalo mo pa si Claire...” halakhak ni Lala. Sumimangot ako at sinaway siyang wag akong ikumpara sa sariling pinsan. Mas matangkad pa rin iyon ‘no, tsaka malayong matatalo ko si Claire... hindi rin naman paligsahan ‘to. “Sinilip ba pati ID mo?” Balik ni Dastine nang nauna na ang mga kaibigan. Nakasunod lang ako at binalikan lang ni Dastine... ako kasi ang huling pinapasok dahil isa rin ako sa maliliit. Mabuti na lang natuto na akong maglagay ng make up kaya kahit papa’no hindi na ako mukhang bata. At sabi nga, medyo tumangkad na ako kaya siguradong ilan na lang ang mag-iisip na menor de edad pa ako noon. “Whooo! Happy legal birthday, Catliah!” Nagwawalang itinaas ni Purple ang inumin. Natatawa nga si Lala at tinulak-tulak ang kaibigan namin na walang pakialam at umiindayog pa sa gitna ng maingay na tugtog. Napapangiti na lang ako at malumanay na sinusundan ang bawat galaw ng mga kaibigan. Madalas ko lang itong makita sa telebisyon noon, ngayon isa na ako mismo sa mga sumasayaw at nag-eenjoy. Pero dahil alam kong hindi ako sanay sa inumin ay umiling ako nang inabutan ni Dastine. Nakangisi pa itong nanunukso ang titig sa akin. Pawis na pawis na ang pisngi at batok ko. Ganito pala ang pakiramdam, nakakahype at nakakainit ng katawan. Siguro nga ngayon ko lang hinahayaan ang sariling mag-enjoy talaga. Pakiramdam ko kasi legal na ako, kahit literal, at ganoon na rin iyon. “Ang ganda-ganda mo, Cat...” halakhak ni Dastine. Sinamaan ko ito ng titig at isinandal ang likod sa upuan. Pagod na pagod ako at pakiramdam ko lahat ng masasamang espiritu sa katawan ko ay nawala. Ganoon pala, kaya pala maraming nagbabar dahil sa ganitong pakiramdam. Nauuhaw ako, nag-aalangan nga lang na tunggain ang nakitang inumin sa gitna ng mesa. Alam ko iyon, mukhang masarap pero nakakalasing. Ngumingisi nga si Purple at pakiramdam ko alam niyang nauuhaw ako sa nakadisplay sa gitna. “Naku! Inumin mo na iyan! Nahiya ka pa Cat...” nagsitawanan na sila pagkatapos na manukso ni Lala. Ngumuso na lamang ako at inabot iyon. Lasang gatorade pero masarap... umisa pa nga ako kaya lalo nila akong tinukso. Sa ikalawa nakaramdam na ako ng init at paghihingalo. Ang init-init naman pala... nasusunog ang lalamunan at tiyan ko dahil dito. “Tara na, maaga pa!” Hinila kami ni Purple at gusto ulit nitong sumayaw sa gitna. Pumikit na lang ako at nakahawak sa katawan ni Dastine, sa takot na baka mawala ako roon. Pagkatapos ay sumayaw na kami. May ilang lalaking nakikihalo pero dahil nga medyo manhater yata ang mga kaibigan ko e walang nakakalusot. Ang gusto lang naman namin ay mag-enjoy. “Grabi ka Cat... ganyan ba talaga kapag hindi ni birhen? Mas lumiit ang bewang mo tapos buong-buo na itong pang-upo mo.” Hindi naman yata intensyon na mang-insulto ni Purple pero dahil alam niyang sensitibo ako pagdating sa gano’ng bagay ay nawalan ako ng gana. Gusto ko na nga lang sana kalimutan iyong dahilan ng lahat, tapos ngayong pinaalala niya naman sa akin. Naiinsulto ako at hindi lingid sa kanya iyon. Halatang nabigla rin siya sa sinabi... lumunok ako at nagpaalam na iinom lang ng tubig. Tumalikod ako, “Cat! I’m sorry, hindi ko sinasadya!” Habol pa nito. Tumango ako at tumuloy pa rin. Nagpaabot ako ng tubig sa bartender at naupo sa highchair. Medyo pinakalma ko naman ang sarili at pilit na inaalis sa alaala ko si Lito. Naaawa pa rin ako roon sa tao, gusto ko nga sanang ayusin na lang ang lahat at palabasin siya sa kulungan. Kaso ang huling balita ko kahit nakapagpyansa na ay hirap pa ring palabasin ‘to sa kulungan. Isang taon ang sinayang at hindi ko alam kung mapapatawad ba ako ni Lito sa nangyari sa kanya. “Happy Birthday, Cat...” Nagulat ako noong may nagsalita sa tabi ko. At mas dumoble pa nang nakita ko si Travis na seryosong nakatitig sa akin. Hindi ako makapaniwalang nandito siya sa harapan ko ngayon at binabati ako. May tinulak siyang maliit na paper bag. Nagdadalawang isip akong tanggapin iyon dahil mag-iisang taon din kaming hindi nagkita. Ganoon pa rin naman siya, pero pakiramdam ko may nagbago... iyong mga mata niya. Medyo mabigat kumpara noon. Malinis pa rin ang mukha nito, iyon lang... parang pakiramdam ko ilang taon kaming hindi nagkita dahil nagiging matured na ang mukha nito. Siguro nga kasi 31 na si Travis... at siguradong marami na rin itong problemang pinagdaanan. “Happy Birthday, Cat...” ulit nito. Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi at tumango pagkatapos ay tinanggap na ang regalo mula dito. “T-thank you,” nag-aalalang yumuko ako sa harap niya. “Dalagang-dalaga ka na, Cat... ni hindi ka man lang nakabisita sa bahay.” Pahimig nito. Lumunok ako at hindi nagsalita. Ano naman ang sasabihin ko? Na wala na akong karapatan na bumisita doon dahil tapos na kami? “Catliah...” tawag ulit nito, napilitan akong tumingala, “Isang taon na rin akong hindi nambabae.” Sabi nito na ikinagulat ko. “This time, I am trying to correct all my mistakes.” dugtong pa nito na siyang mas lalong nagpapagulat sa akin. “This time... I’m gonna have you even if you have doubts.” Hindi na ako makahinga. Ano bang sinasabi ni Travis?!! “Cat, I like you eversince. Ang hirap mong pakawalan. Alam kong mali pa rin ‘to. Pero gagawin ko ang lahat na itama... please, be considerate this time. Please Cat?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD