14

2109 Words
“After a month hija, let’s see kung kailangan mo pa ng D&C.” Paalala ng Doctor nang pack up na kami para umuwi. Tinitigan ko ang dinalang mga damit noong nagpanic ako papunta rito sa Hospital. Nasa tabi no’n si Kuya Travis, nakapamulsa at pabalik-balik ang titig sa’kin. Naiintindihan ko naman kung nag-aalala siya, dahil siguro responsibilidad niya ako kahit papa’no tsaka do’n rin ako nakatira sa kanya. Given na ‘yon, Medyo nanghihina pa ako dahil sa limang araw na nasa Ospital, pakiramdam ko nga e ang daming nawala sa’king dugo... na pinunan ni Mommy at dahil tapos na ay pwede na akong umuwi na si Kuya Travis lang ang kasama. Tinulungan niya rin akong maupo roon sa frontseat tabi ng kanya. Tapos bumyahe na kami, may dinaanan lang na supermarket para bumili ng gulay at isda na magpapataas daw ulit sa dugo ko. Ramdam ko ang pagod sa ilang araw na nasa ospital ako, pakiramdam ko nga e parang isang taon na ako do’n. “Magpahinga ka muna, Cat... ipagluluto muna kita.” Alalay nito sa’kin papunta sa gilid ng hagdan, doon sa kwarto ko. “Marunong ka ba?” Kunot noong tanong ko dito. Ngumiti ito, yong hilaw... at saka dahan-dahan na umiling. Napailing din ako at pumasok. “Magbibihis lang ako tapos tuturuan kita,” Alangan pa ito pero dahil mataman ang pagkakatitig ko sa kanya ay wala rin itong nagawa kundi umiling. Wala talaga siyang magagawa dahil baka pareho kaming mawalan ng gana mamaya kung paiiralin niya yang pride niyang yan. Pagkalabas ay doon ko lang napansin na inihahanda na ni Kuya Travis ang mga kasangkapan. Tinuro ko sa kanya ang pechay kung paanong hahatiin at iibahin ang sanga at dahon. Tapos ay pinasabay ko sa kanya ang isda at mga rekados para pakuluan lang sandali. Tinuro ko rin kung alin pa ang kailangan at inutusan siyang lagyan na ng pampalasa. “Masarap ba?” Kabadong tanong nito. Tumango ako at iginilid ang mga ibang bagay na hindi na kailangan. Pansin ko nga parang natataranta siyang niligpit ang mga gamit, ang ilan nilagay niya doon malapit sa sink... tapos bumalik siya kaagad at sinilip ang niluluto. Pumikit ako at naupo, saka nangalumbaba habang tulala sa kawalan. Natigil lang ako noong tumabi sa’kin si Kuya Travis at nilagyan ng kanin ang maliit na mangkok at katabi ay umuusok na sabaw. “Thank you,” sabi ko at dahan-dahan na kumain. Hinipan at sinubo. Kaso natigilan ako noong napansin na nakatayo pa rin si Kuya Travis sa tabi ko. Ngiwing tiningala ko ito at naniningkit ang mga matang sinalubong ang mga mata niyan mas malalim pa yata kesa sa iniisip ko kanina. “Kuya, kumain ka na rin kaya?” Aya ko dito. Napakislot ito, bahagyang napakagat labi pa na ikinakunot noo ko na lang. Tumigil siya noong napansin yata yon. “Kuya?” Takang tanong nito, kumunot ang noo at lalong diniinan ang titig sa kanya. “Bakit?” Bakit nga ba? Dapat nga noon ko pa ‘to tinatawag na Kuya. Dahil yon naman ang dapat, mas matanda siya sa’kin... almost 13 yrs. Dapat ganoon, kaya bakit siya nagtataka? Dahil naninibago siya? Dapat naman kasi talaga! “Okay, I’ll eat with you.” Iwas nito at kumuha ng para sa kanya. Tahimik itong kumakain sa tapat ko, walang nagsasalita at wala rin akong balak na kausapin siya. Bahala siya dahil bahala rin ako sa sarili. Maya’t maya ay natapos na rin ako, si Kuya Travis ang nagligpit at naghugas. Tumuloy naman ako sa sariling silid at nahiga, para sana magpahinga kaso nakarinig ako ng tawag mula sa personal na account. Dapat magulat ako dahil hindi ko ineexpect na tatawag si Lito... pero wala! Sinagot ko na lang at nakita siyang nakaupo, ito rin ang unang bungad niya sa’kin no’n. “Cat? Hindi kita makontak no’ng isang araw pa.” Though, nagchachat message siya hindi ko naman magawang reply’an. Lagi kasi akong nahihilo at isa pa, pansin kong pinapagalitan ako ni Kuya Travis ‘pag nagtatagal sa sariling gadget. Kaya sa halip na reply’an pa e nawawalan ako ng gana... at isa pa, balak ko rin naman siyang reply’an kapag nakauwi na ako. “Na-ospital ako, Lito... I’m sorry.” “H-ha? Bakit?!” Kinuwento ko na kaagad sa kanya ang nangyari. Tumango ito at kunot ang noo, nakatitig lang ako do’n... hindi maalis ang mga mata ko. “Pwede ka naman sigurong bisitahin diyan, Cat? Hindi naman siguro magagalit yong pinsan mo? Iaabot ko lang ang mga gulay para gumaling ka kaagad.” Sabi nito. Nakagat ko ang labi, sana nga ‘yon lang kadali. Pero kasi hindi ko naman totoong pinsan si Kuya Travis! Magagalit yon kapag may ibang lalaking pumasok sa pamamahay niya! Pero pag siya okay lang?! Ano yon? Napakaunfair nga naman ng buhay! Pero syempre inintindi ko at hindi ko naman pamamahay ‘to. “I’ll be fine after a week, kita na lang tayo?” Aya ko dito. Medyo nagpigil ito ng ngiti. Pinigilan ko naman ang sariling magsabi ng kung ano-ano. Ayaw ko lang kasing magkagulo dito at dahil magulo rin si Kuya Travis. “Chat mo’ko kapag okay ka na, magdate tayo.” Tumango ako, wala sa sarili at kumalma rin kalaunan. “And Cat?” Tawag pansin nito. Tumitig lang ako sa kanya, hindi ko nga alam kung nasa matinong pag-iisip pa ako para lang gawin ang mga ‘to. I know mali ‘to e! Pero siguro naghahanap ako ng kung ano kaya pumapayag ako kay Lito. At si Lito, alam kong hindi rin ako reresputuhin ng isang ‘to. Pagkatapos noong phonesex, narealize kong iba ang habol sa’kin ni Lito... kaya lang, nagustuhan ko rin yon ah! Namulat ako dahil sa kanya kaya alam kong gugustuhin ko pa rin ‘to. “Unblock mo na’ko para matext kita anytime.” Tumango akong muli at pumikit. Siguro dahil nakakaramdam ay nagpaalam na siya sa’kin. Sinabihan niya lang akong magpahinga ng maayos dahil yon ang kailangan ko ngayon. Alas sais nang nagising ako, bumaba lang ako sa kama at sinuot ang tsinelas. Pagkalabas ay nakaamoy kaagad ako ng ulam... nagmamadali akong nagpunta sa kusina sa sobrang kaba. May masasayang na naman kasing pagkain. Hindi marunong si Kuya Travis! I’m sure magiging palpak ‘to. Kaso nagulat akong nando’n si Mommy at nasa tabi ni Kuya Travis. “Hindi na’ko dumaan sa Hospital... Kumain ka pagkatapos Kuting para bumalik na sa dati ang lakas mo.” Ngayon ko napagtanto, hindi totoong hinayaan ako ni Mommy. I’m sure nag-aalala rin sa’kin ‘to kahit na hindi kami nagkasundo no’ng isang buwan. Naguilty tuloy ako, pero mali pa rin kasi kahit sabihin pang ipinaglalaban nito ang paniniwala. Tahimik akong kumakain pagkatapos na maluto ang ulam. Hindi ako umiimik, naiintindihan din ng dalawa. Siguro iniisip nilang mahinang-mahina pa’ko kaya hinayaan na lang nilang tahimik. Pumasok na kaagad ako sa sariling silid pagkatapos na magpaalam. Hinayaan din nila ako at hinayaan ko ring gano’n ang isipin nila. Inatupag ko si Lito pagkatapos noon. Bandang alas otso nang nakaramdam na ako ng totoong pagod, kaya nakatulog ako nang maaga. Kinabukasan maaga rin akong nagising at medyo magaan na ang pakiramdam. Sinilip ko ang kusina at nakitang si Kuya Travis na lang ang nando’n, naghahands sa almusal nila. Kumunot lang ang noo ko nang nakalapit ng tuluyan at nakitang may umuusok na sabaw doon sa isang pressure cooker. “Hi, Good morning Cat,” ngiti nito. Tumango ako at dahan-dahan na inakyat ang highchair. Nangalumbaba muna ako habang pinapanood ang pagpiprito ni Kuya Travis. I guess, umagahan niya yon. Pagkalingon niya sa akin ay iniwan niya muna sandali ang inihahanda at tulad kahapon ay nilagay niya sa maliit na mangkok ang kanin ko at sa kabila nama’y sabaw para maging ulam. “Mauna ka Cat, kailangan mong uminom ng gamot.” Alam ko naman yon pero sige pagbibigyan kaya tumango na lang ako at hinipan ang mainit na sabaw. Ilang minuto lang ay nasa harap ko na si Kuya Travis at sinasabayan ako sa almusal. Tahimik kong inienjoy ang pagkain kaso nadidistract ako sa tuwing nagtatanong ito, lalo na sa nararamdaman ko ngayon. “Okay lang Kuya... pwede ka ng magtrabaho.” Ngiti ko. Natulala ito sandali kaso binaliwala ko iyon. Hindi ko na alam kung anong naging itsura niya pagkatapos dahil abala ko sa paghigop, saka masarap... di ko akalain na magiging ganito kasarap. E hindi pa naman gaanong maalam sa pagluluto si Kuya Travis. “Basta initin mo para mamayang pananghalian. Call me when it’s emergency, okay?” Tumango ako at sumandal sa couch. Nanonood ako ng kung ano-ano sa netflix at panay na rin ang silip sa cellphone. Kanina lang ay nag-good morning si Lito, ngayon pagkatapos kong magreply ay hindi na ulit nagreply. Nakabukas lang iyon sa pag-aakalang makakapagreply kaagad ito. “And Cat, anong gusto mong pasalubong?” Tanong nito na siyang nagpatingala sa akin, hindi naman ito nakatitig sa’kin kundi do’n sa gilid ko. Noon ko natanto kung bakit siya do’n nakatitig... pasimple ko na lang na itinalikod ang cellphone para hindi niya makita ang laman. “A-ah, wala Kuya...” sagot ko. Kumunot ang noo nito at parang umiling yata ng kaunti. Hindi ako sigurado dahil sa sumunod na kurap ko e parang ganoon pa rin ang pwesto ng ulo nito. “Okay, tumawag ka kung emergency.” Ulit nito. Tumango ako at nilipat sa ibang movies ang nasa harap. Nakontento ako sa isang boring na palabas. Inangat ko ang mga paa at naupo ng komportable sa couch. Itinahaya ko sandali ang kinakapang cellphone at nakitang may chat kay Lito. Hindi ko narinig kanina siguro dahil bukas na iyon. “Kung busy ka, okay lang naiintindihan ko.” Ngiti ko pagkatapos na sagutin ang tawag mula dito. “No, wala Cat,” tawa nito, “Hindi ako busy, may sinagot lang akong tawag para sa school.” Tumango ako at pinaglilipat ang palabas sa kaharap na movie. “So? You’re okay now?” Tanong nito. Tumango ako, medyo nanghihina pa pero okay na ako. Pwede na ngang mamasyal sa labas pero dahil kailangan ko pang bawiin lahat ng nawalang dugo sa’kin, kailangan ko pang manatili dito ng matagal. “Yong date natin next week, Cat...” paalala nito. Tumango ako at tinuon na sa kanya ang mga mata. Mukhang nasa school siya ngayon, wala nga lang katao-tao. Dahil bakasyon kaya gano’n. “Ah, Cat?” Tawag nito, gusto yatang patayin ang tahimik na paligid, “Are you sure na okay lang na tawagin kong date yong mangyayari sa susunod na Linggo? I mean, hindi ka ba maiilang kung ako ang kasama mo? Hindi ako gwapo, Cat... alam ko yon. Pagkatapos magtatabi tayo? Magmumukha akong bodyguard.” Kumunot ang noo ko at sa huli ay unti-unti akong napapangiti, “Wala namang pangit na tao, Lito. Hindi sa pampalubag loob. Talagang hindi ko maintindihan kung bakit may tinatawag na pangit. Sa totoo lang, hindi kita nakikitang pangit.” Paliwanag ko. “Kahit sarat itong ilong ko?” Tawa nito, “At maraming bakas ng kahapong tigyawat?” Umiling ako, totoo naman... nasa mata kasi ng tao na pangit kong hindi matangos ang ilong at makinis ang mukha. Hindi ako gano’n, “Okay lang Lito, hindi ka pangit.” Sabi ko. Natuwa yata ito at nagkukuwento na ng kung ano-ano. Pangiti-ngiti lang ako habang nakikinig sa sinasabi niya. Natutuwa akong panatag ako kay Lito. Pakiramdam ko wala akong kahati. “Aalis ka?” Nagtatakang tanong ni Kuya Travis. Nagulat akong nando’n siya. Wala sa isip ko ang magpaalam sa kanya dahil unang-una makikipagdate ako sa ibang tao. Hindi ko lang inaasahan na makikita ko siya rito ngayong araw, hindi ako lumabas kaninang umaga at balak sanang sa labas na kakain. “Ah, oo... katatagpuin ko lang ang kaibigan ko.” Tumango ito, medyo guilty din ako sa hindi pagpaalam. “Kumain ka na ba?” Tanong nito. Ngayon lang siguro ‘to bumaba kaya ngayon lang ako napansin. Tikom naman ang bibig ko at sinabing sa labas na rin ako kakain. Hindi naman nagpumilit, hinayaan niya akong umalis. Sinabihan lang ako na itext siya mamaya kung magpapasundo. Tumango na rin ako para matapos na kahit wala akong balak na ganoon. “Grabi, ang ganda-ganda mo Cat!” Hindi mapigilang ngiti ni Lito. Ngumiti ako at tinanong siya kung ano ang plano ngayong umaga. Sinabi ko sa kanyang mag-aalmusal muna ako o kami kasi gutom na gutom na ako. Naiintindihan naman nito at hinawakan ako sa kamay. Medyo natigilan ako ngunit sa huli hinigpitan ko rin ang pagkakahawak sa kamay niya. Ang init at mabigat. Iyon ang kailangan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD