Naligo muna siya at nagbihis bago lumabas ng kuwarto. Siniguro kasi ni Tyler na may mga damit siya dito na ayon dito eh for emergency purpose diumano. Hilig lang talaga nitong ayain siyang matulog dito ng biglaan,na madalas naman palusot niya wala siyang damit na pamalit. Kaya naman naglaan pa talaga ito ng isang araw para mag-shopping sila ng mga damit niya na hindi naman niya natanggihan. Dumiretso siya sa kusina subalit hindi niya nakita ang nobyo. Kumuha siya ng maiinom sa ref. Pumunta siya sa sala pero wala din ito dun. Pumunta siya sa balkonahe ng condo nito at nakita niyang nakatalikod ito sa kanya habang may kausap sa cellphone. Sumandig siya sa sliding door at pinagmasdan ang likuran nito. Napakaganda ng katawan nito,bet na bet niya talaga ang pang-upo nito na hulmang-hulma sa su

