Chapter 1: Feliciano first recollection

267 Words
Sa unang araw nang ating pagkikita, ang unang pagkikitang ay hindi maayos, at hindi maganda. Pareho tayong naglalaro sa palaruan ngunit hindi tayo magkasama dahil hindi pa tayo ganoon na magkakakilala, kita ko sa mukha mo kung gaano ka kasayang naglalaro kasama mo siguro ang kaibigan mo? Habang nagbabatuhan kami ng brutal kong kaibigan hindi ko sinasadyang natamaan kita sa ulo. "Felix, anong ginawa mo?" takot na tanong sa'kin ng aking kaibigan. Tumakbo ito patungo sa kanilang tahanan dahil na rin siguro sa takot nito. Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa gulat, at kaba ng makita ko ang dugo na umaagos sa kanang bahagi ng ulo ni Laura. Tanging maingay na iyak lamang ang maririnig sa palaruan, iyak ito ni Laura dahil sa dugong umaagos na nagmumula sa kanyang kanang bahagi ng ulo, nagawa niya pang maglakad nang mabilis patungo sa kanilang bahay kahit na ganoon ang kanyang kalagayan. Hindi niya napansin na nakasunod ako sa kanya, dahil ang atensyon niya ay nasa kanyang ulo na patuloy ang pag agos ng dugo. Binilisan ko na lamang ang paglakad ko upang mas lalo ko siyang masundan kahit na puno ng takot at kaba ang aking katawan. Patago akong nagtago sa malaking pader na hindi ako makikita ng kung sino man, patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. "Anong nangyari, Laura?" pag-aalalang tanong sa'yo ng babae, maaaring ito ang iyong ina? Tama nga ako sa hula ko dahil narinig ko na tinawag mo itong "Ina" Sinabi mo sa iyong ina ang nangyari, nagulat na lamang ako nang banggitin mo ang ngalan ko. Ibig sabihin kilala mo 'ko, pero paano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD