"Isaac at Jewel... sigurado ba kayong gusto ninyong sumali? Kahit pag akyat lang sa kabayo, nahihirapan pa kayong dalawa eh!" "Hahahaha nakakatawa naman kayong dalawa! Isaac, subukan mong himas himasin ang kabayo mo para maging maamo sayo!" muling wika ni Mang Tamo. Hinimas naman ni Jewel at Isaac ang kabayo subalit parang ayaw silang pasakayin nito. Mabuti na lamang at dumating si Mr. Diaz. "Pasensya na po, masyadong malayo ang pinarkingan ko ng sasakyan natin. Hayaan niyo po akong tulungan kayong umakyat sa kabayo!" "Mr. Diaz," sabi ni Jacob, "Ayaw ko naman na matadyakan silang dalawa ng sarili nilang kabayo at mas lalong ayaw ko silang magmukhang tanga mamaya kapag simula ng karera. Ikaw na lang kasi ang kumalaban sa akin para kahit papaano ay maging patas ang laban nating dalawa?"

