Nagmadali na ako para mag-ayos ng aking sarili. Ilang oras na lang ang meron kami para maipasyal si Leo sa City at pagkatapos ay magsisimula na siya sa kanyang trabaho kay Eric sa susunod na araw. Nagbreakfast muna kaming tatlo dahil wala pa si Rica. Nainggit ako sa iniinom nilang kape at nagsalin lang ako sa maliit na cup para mawala ang pagkatakam ko. “Bawal kay Baby ang kape,” saway ni Leo. “Konti lang naman. A little sip will not hurt him.” Sa wakas ay dumating na rin si Rica. Naka dress na di naman nya nakagawiang magsusuot ng ganoon. Naka curl ang dulo ng buhok at may light make up ang mukha. Napangisi tuloy kami ni baks sa nakitang itsura niya. “Sabi na nga at tatawa kayo,” inis na sabi nito “Hi,” napatayo pa si Leo at inilahad ang kamay nito habang kinikilig kami ni Eric. “He

