CHAPTER 67

1697 Words

Ilang minuto lang ay dumating na rin sila sa bahay. Nagmamadaling pumasok ng bahay si Andrew at pagdating ay si Andy agad ang hinarap nito. Kinarga ang anak at hinalik-halikan pa. Gigil na niyakap ito na halos mapisa ang bata. Umiyak na nga ang bata dahil sa panggigigil ni Andrew at mahigpit na yakap. “Hay daddy naman. Nasaktan na yata yung bata,” inis na sabi ko at saway sa aking asawa. “Namiss ko ang prinsesa ko at siyempre lalo na ang aking reyna,” sabay akbay sa akin at halik sa aking labi. “Kumain na tayo. Kay manang muna si Andy at pinaiiyak mo palagi,” saad ko. “I miss you,” bulong niya sa akin. “Miss? Ayaw mo na nga umuwi sa isla.” “Anong ayaw? Gustong-gusto ko na nga kaso lang ang daming inaasikaso dito. Dito ka muna. Isang buwan.” “Titingnan ko kung di mahihirapan si Momm

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD