Estelle Parang huminto ang mundo ko nung makita ko si Lorenzo na bitbit si Dria. Nanginginig akong naglakad papalapit sa kanila, hindi ko alam kung anong gagawin ko. “Railey, si Lorenzo.” Iyon lang ang tangingin nasabi ko kay Railey matapos niyang kausapin ‘yung doktor na kausap namin. Hindi ko alam kung bakit parang naluluha ako na makita si Dria na komportable kay Lorenzo kahit hindi niya ito kilala, she look so delighted in his arms. Naiwan akong nakatulala dito sa di kalayuan habang si Railey ang unang lumapit sa kanila. Bakas sa mukha ni Lorenzo ang gulat nung makita niya si Railey at tawagin nito si Dria kaya sumunod na ko sa kaniya. “M-mayor, why are y-you here?” Rinig kong tanong sa kaniya ni Railey pero parang napako ang tingin niya sa akin, kinuha ni Railey si Dria mula

