Shaina Damn! Ang sakit ng ulo parang mabibiyak na! Pakurap kurap akong tumayo sa kama ko. Nandito nga pala ako sa apartment nina Estelle nakikituloy habang nasa manila ako at wala si Estelle dito, I am taking care of Baby Dria and helping Tita Emilia. Paglingon ko sa crib ni Dria dito sa kuwarto ni Estelle ay wala siya dito kaya nagdesisyon akong lumabas at paglabas ko ng kuwarto ay agad kong nakita si Railey sa sala habang hinihele at pinapatulog niya si Dria na mukhang kakatapos lang kumain. Hindi ko alam bakit ang sama ng tingin sa akin ni Railey nung makita niya ako, inirapan ko siya at tumuloy ako sa kusina para magtimpla ng kape pero kita ko pa din ang pagsunod niya ng tingin sa akin. Wala pa si Tita Emilia dahil malamang ay namalengke siya kaya naman ako na muna ang magluluto

