Estelle Kakauwi ko lang galing manila dahil hinatid ko si Dria, hindi siya puwedeng magtagal dito kasama si Lorenzo. Buti na lang ay pinapaniwalaan niya lahat ng palusot ko patungkol kay Dria. Hindi ko ba alam dito kasi kay Railey at bakit niya dinala si Dria dito. Nasa tapat na ko ng kuwarto kung saan siya natutulog at kakatok na sana ako nung marinig ko siyang may kausap sa cellphone niya. “Thank you, Attorney. Aasikasuhin ko yo’n when I get back to work. Yes, I’ll inform them, I’ll talk to my doctor about it. Bye..” Rinig kong sambit niya sa kausap niya mula sa kabilang linya. Nakakaalala na ba siya? Nakatayo lang dito may pintuan ng kuwarto niya at nakadikit ang tenga ko nung biglang bumukas yo’n at muntik na kong ma-out of balance. Kita ko rin ang gulat sa mga mata ni Lorenzo nung

