Estelle Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon, matapos naming mag-usap ni Lorenzo. Oo, sa maiksing panahon ay minahal ko na siya. Wala naman yo’n sa tagal o bilis hindi ba? Pero sa mga nalaman ko at sa pinagdaanan ni Mama ay hindi ko alam kung kaya ko pa bang ipagpatuloy kung anong meron kami, hindi ko kayang makisama sa taong nanakit sa nanay ko at sa mga taong hindi naman ako kailanman matatanggap. The way Tita Loraine looked at me when she saw me in Lorenzo’s office says it all. Nasa tapat na ko ng entrance ng munisipyo nung makasalubong ko si Edward. “Estelle, it’s been awhile since we heard from you, kamusta ka na?” Magiliw nitong tanong at bati sa akin kaya napahinto ako. Pilit akong ngumiti sa kaniya at tumango. “Okay naman..” Nakangiting sambit ko sa kaniya pero kita ko

