Twenty-one Diamond’s POV Nagising siya sa ingay mula sa labas ng kwarto nila. Pero parang sa mismong labas ng bahay nila iyon nanggagaling. Kaya naman sapilitan niyang iminulat ang mata niya at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto nila. Wala na doon ang mag-ama niya, tanging ang magulong higaan na lang nila ang nakita niya. Tumayo siya sa kama ng marinig niya ng masayang pagce-cheer ng anak niya sa kung anong bagay. Sinundan niya ang naririnig niya at nauwi siya sa veranda ng kwarto nila. Doon nakita niya ang asawa niyang nagsisibak ng kahoy habang tuwang tuwa na nagce-cheer ang anak nila para ditto. Napako ang mata niya sa katawan ng asawa niya. Wala kasi itong damit pang-itaas. Holy s**t!... daing niya. Kitang kita niya ang ganda ng katawan ng asawa niya na limang tao

