Sixteen Ethan’s POV “AHHHHHH!!!!!....INA”sigaw ng anak niya sa kabilang linya. Sunod niyang narinig ang isang ingay na para bang may bunggang isang bagay sa sasakyan ng mag-ina niya. “Hello.. Tan-Tan…Hello”dinunggol siya ng kaba sa narinig niyang sigaw ng anak niya. Nang tingnan niya ang cellphone niya nakapatay na ang tawag niya sa anak niya. sinubikan niyang tawagan muli ang cellphone ng asawa niya pero hindi na niya ito makontak pa. “f**k!!!!”naibalibag niya sa sobrang inis niya ang cellphone niya. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto nila ni Dia para puntahan ang mag-ina niya. “Ser”tawag sa kanya ni Manang Trining. “Manang, mamaya na kailangan ako ng mag-ina ko”sagot naman niya at nagmamadaling lumabas ng bahay nila. “Pero Ser may tumawag po, isusugod daw po sa ospit

