Hindi nakahuma sa mga sinabi ni Avril si Madox na walang nagawa kung hindi ang manahimik doon at panoorin si Avril sa paghahanap niya kay Mico sa loob ng unit. Kahit na nais niya pa itong asarin ay hindi niya na iyon ginawa, sapat na sa kanya ang makatikim mula dito ng mag-asawang sapak. Ayayw na niyang dagdagan pa ang sakit ng kanyang katawan, at baka mapahamak lang silang dalawa ng anak. Mababakas sa kanyang mga mata ang namumuong takot para kay Avril na ang aura ngayon ay animo tigre na anumang oras ay maaari siyang lapain at saktan. Hindi na rin niya tinangka pang kantiin ito kahit puno ng pang-aasar ang isip niya. “Mico, magpakita ka na sa aking hayop ka! Lumabas ka! Magtutuos tayo sa mga kagaguhan mo!” umaalingawngaw na galaiting sigaw ni Avril na kulang na lang ay sumabog sa pi

