Kung gaano kasaya ang pagtungo ng mag-asawa sa restaurant para sa dinner ay siyang naging kabaligtaran naman noon ang kanilang pag-uwi. Nilalamon ng makapal at umuunat na nakabibinging katahimikan ang hangin sa loob ng kanilang sasakyan kinalululanan. Hindi magawang magbukas ng topic ni Mico dahil nakikita niya sa mukha ng asawa ang labis na pagkairita sa mga nangyari sa kanila sa dinner. Hindi rin naman suka’t akalain ni Mico na makikita nila doon si Madox, dahil kung alam niya na mangyayari ang bagay na iyon ay malamang tinaggihan na nila ang pag-aayang dinner sa kanila ng ina. Hindi na sana sila pumunta pa doon. Sana ay maayos pa rin ang mood ni Avril na ngayon ay hindi maipinta. “Baby...” malat ang tinig na tawag niya sa asawang nasa labas ng bintana ang mga mata, hindi siya nito pin

