Malawak ang ngiti ni Avril habang bumababa sila ng sasakyan matapos na pumarada iyon sa may bulwagan ng malawak nilang poultry. Ilang beses niya pang nilingon si Mico na may malapad na 'ring mga ngiti sa kanyang labi na agad napawi nang maalalang hindi ito kumain. Nabalot ng labis na pag-aalala ang kanyang mga mata nang dahil sa bagay na iyon. Iniisip ngayon ni Avril kung ayos lang ba talaga ang kanyang nobyong kasama. Hindi siya kumbinsido na ayos lang talaga ang kanyang kasintahan ngayon. "Ayos ka lang ba talaga diyan?" tanong ng dalaga habang matamang pinagmamasdan na ang itsura ni Mico. Marahang tumango si Mico bagama't medyo naiilang ito sa kanyang itsura ngayon ay sinigurado niyang hindi iyon mapupuna ng kasintahan niyang kasama. Ayaw niyang isipin nitong uma-arte siya sa estilo n

