MASTER MORLEY Napatingin-tingin ako sa paligid. Kahit na alam kong wala naman tao at wala si Amythyst sa bahay niya ay nanigurado parin ako. Pumasok ako sa portal papasok ng Eleria. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong pumasok dito bago ako mapaalis sa Trojan Academy. Pero hanggang ngayon... nagbabakasali parin ako. Naglakad ako ng naglakad. Hanggang sa matapat ako sa lumang gate na may pader na nilalamon na ng mga d**o at ligaw na halaman. Napatitig ako sa loob. Maraming puno ang loob. Hindi ko alam kung may bahay ba sa loob niyon. "Magandang araw Ginoo, may pakay po ba kayo sa loob?" Nilingon ko ang babae sa gilid ng gate. Base sa itsura niya ay isa siyang witch. Litaw na litaw ang kulay berde niyang mga mata. "Ah-Ahm... wala." Umiling ako. "Napadaan lang," s

