Kylie's POV
Tatlong araw na naming hinahanap si Vince at gano'n pa rin, hindi pa rin namin s'ya nakikita.Vince nasaan ka na?
Kasama ko ngayon sina tita Veronica, Rosalyn, Yami, at Prince sa paghahanap kay Vince at nga pala alam ko na ang mga pangalan ng mga kaibigan ni Rosalyn, sinabi kasi sa akin ni Rosalyn eh.
Nagpapaskil kami ngayon ng picture ni Vince sa kung saan-saan na may nakalagay na contact no. namin, baka kasi may makahanap sa kan'ya.
"Alam n'yo guys, pahinga muna tayo please? Buong araw tayong naghahanap at nagpapaskil ng pictures eh at saka pagod na ako."-Sabi ni Rosalyn.
"Oh sige, mag-merienda muna tayo."-Sabi naman ni tita Veronica.
Pumunta kami sa isang burger shop para kumain. Gutom na rin kasi kami.
"Grabeh! nakakapagod talaga ho!"-Sabi ni Prince habang kumakain ng Cheese burger sabay pahid ng pawis n'ya.
"Sinabi mo pa!"-Sabi ni Yami kay Prince.
"Nasaan na kaya si Vince? Namimiss ko na s'ya."-Mangiyak-ngiyak na sambit ni tita.
"Wag po kayong mag-alala tita, mahahanap at mahahanap po natin si Vince, atsaka kung nasaan man s'ya, sigurado akong ok lang s'ya :)"-sabi ko kay tita at hinimas ang likod n'ya kasi umiiyak na s'ya ngayon.
"At malay n'yo po, nakita na s'ya ng totoo n'yang magulang at dinala na s'ya kung saan man s'ya nanggaling talaga."-Sabi naman ni Prince kay tita.
"At kung gano'n man po 'yon tita sigurado akong babalikan n'ya tayo at ike-kwento n'ya lahat, kaya wag na po kayong umiyak :)"-Rosalyn.
Nag-usap-usap pa kami ng kung ano-ano ng may lumapit sa amin na magandang babae at 'yong magandang babae na 'yon ay 'yong nagtitinda malapit sa amin.
"Magandang hapon sa inyo :) narinig ko kasi na may nawawala sa inyo? Ahm, pwede n'yong sabihin sa'kin baka makatulong ako?"-Siya.
Nakaka-curious talaga 'tong babaeng 'to.
"Nawawala po kasi 'yong kaibigan kong lalaki at 'di namin alam kung nasaan, may alam po ba kayo?"-Tanong ko sa kan'ya.
"Sabi ko na nga ba, may panganib na darating sa kan'ya."-Pabulong n'yang sabi pero dahil katabi ko s'ya eh narinig ko.
"Ha? may sinasabi ka po?"-Tanong ni Rosalyn sa kan'ya.
"Teka lang, paano n'yo naman nalaman na nasa panganib si Vince? siguro may kinalaman kayo sa pagkawala ni Vince noh?!"-This time napatayo na talaga ako at tinitigan s'ya.
"Wala iha, wala akong kinalaman. Sadyang alam ko lang."-Sabi n'ya sa'kin.
"Eh bakit mo nga alam?!"-Medyo pasigaw ko nang tanong. Eh kasi naman nakaka-curious na 'tong babaeng 'to at sa tuwing tungkol kay Vince ang pinag-uusapan eh bigla na lang s'yang sumusulpot! -_-
"Oii, huminahon ka nga Kylie."-Tita.
"Hindi tita, nakaka-curious na kasi 'tong babaeng 'to."-Iritableng sabi ko kay tita sabay turo sa babae. "Atsaka isa pa, sino ka bang talaga?"-Tanong ko sa babae.
"Ako? Gusto mong malaman kung sino ako?"-Mahinahon at medyo mahina na sabi n'ya sa'kin habang tinititigan ako.
"Oo, gusto kong malaman."-Taas noo ko pang sambit.
"Pwes, sumama kayo sa'kin at do'n makikilala n'yo kung sino talaga ako."-Siya.
Tiningnan ko muna 'yong mga kasama ko kung payag ba silang sumama kami at tumango naman sila.
"Sige sasama kami."-Ako.
Tinaas n'ya ang dalawang kamay n'ya at pina-ikot-ikot ito. Nakita ko na may nag porma na hugis bilog na may parang mga bituin sa gitna. Luminga-linga ako sa paligid baka kasi may nakakita sa amin pero wala, lahat walang pakialam parang hindi kami nakikita. Ilang saglit lang 'yong sahig na tinatayuan namin ay umilaw at do'n na kami nawala.
Nang maramdaman ko na ulit ang pagtapak sa sahig ay agad ko namang nilinga-linga ang paligid, napakaitim wala kang ibang nakikitang kulay kun'di itim. Tiningnan ko 'yong babaeng nagdala sa amin dito. Nakakunot ang nuo n'ya habang tinitingnan ang paligid na para bang ngayon lang s'ya nakarating dito.
"A-anong nangyari dito?"-Pagtatakang tanong n'ya.
"Ewan, hindi namin alam."-Tita Veronica.
"Atsaka ikaw ang nagdala sa amin dito, dapat alam mo!"-Pasigaw na sabi ni Rosalyn.
Oo nga, dapat alam n'ya ang nangyayari dito, tsk.
"Hindi, hindi to maaari!!"-Sigaw n'ya at umiiyak.
"Bakit? So hindi mo alam kung anong nangyayari?"-Tanong ko sa kan'ya.
"Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito dito, no'ng pag-alis ko pa lang dito, hindi ito ganito, makulay at puno ng saya nababalot sa kingdom na ito."-Sabi n'ya na umiiyak.
So Kingdom pala ito.
"Ahh, gano'n po ba? Eh ano n'yo po 'tong lugar?"-Tanong ko na naman.
"Kingdom namin to ng asawa ko."-Malungkot na pagkakasabi n'ya.
Ah, Kingdom nila pala 'to--- wait what?!
"R-reyna kayo dito?!"-Gulat naming sambit.
"Oo, ako si Queen Almira ang Reyna nitong Amaranth Kingdom."-pagpapakilala n'ya na may malungkot na ngiti sa kan'yang labi.
"Ahh, ahm, queen Almira, ako naman si Kylie Lesser tapos s'ya naman si Rosalyn at ang mga katabi naman ni Rosalyn ay sina Yami, Prince, at tita Veronica."-Pagpapakilala ko sa kanila at inisa-isa ko silang tinuro.
"Ngayon kilala na natin ang isa't-isa, eh tara sa palasyo."-Sabi ni queen Almira.
Sinundan lang namin s'ya at maya-naya lang, nakarating na kami sa kan'yang palasyo.
Unang pasok pa lamang namin ay halata mo nang napakaganda kahit maitim ang kulay nito.
I wonder kung gaano 'to kaganda pagbumalik ang totoong kulay.
Lakad-lakad at patingin-tingin lang ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa parang trono ata nitong palasyo.
"Ito nga pala ang trono namin ng asawa ko."-Sabi ni queen Almira.
"Woah, ang ganda po."-Manghang sambit ni Yami.
"Nga po pala, nasaan po 'yong asawa n'yo?"-Tanong ko.
"Ang alam ko lang eh sumunod s'ya sa akin sa Earth, kaso hindi ko pa s'ya nakikita..."-Malungkot na pagkakasabi n'ya.
"Ahh, ok."-Sabi ko na lang. "Matanong ko lang po, sino po si Liam JR.? naku-curious lang po ako."-Tanong ko kay queen Almira.
"Si Liam JR. ang nawawalang anak namin. Pinadala kasi namin s'ya sa planetang Earth kasi may sumalakay na kalaban dito sa Amaranth, kaya lang nang pumunta na akong Earth, hindi ko na s'ya makita kaya hinanap ko pero nang nahanap ko na s'ya..."-Huminto s'ya sandali at napabuntong hininga. "Wala na akong nagawa kun'di pagmasdan at bantayan na lamang s'ya."-Dugtong niya.
"Si Liam JR. ba eh kilala namin? S'ya ba ay si..."-Sabi ni tita ngunit agad namang nagsalita si queen Almira.
"Oo, tama ang iniisip n'yo, siya nga ang anak ko, siya ang nawawalang prinsipe."-Sabi ni queen Almira.
What?! O-M-G!!
"Hindi nga?!"-Sabay-sabay naming sigaw na apat.