Ang basang sisiw ••• Foundation day. Lahat sila excited sa party mamayang gabi puwera na lang sa'kin. Kasi gabi na gaganapin ang party na 'yon at syempre hindi ako papayagan ng mga mapagmahal kong magulang. Baka sabihin lang nila sa akin, anong mapapala ko doon? Tapos isipin pa nila lalandi lang ako... Lycka Salamanca: Hindi ka ba talaga pupunta? SiningFedeli: Hindi ako papayagan kilala mo naman si papa napaka strikto Lycka Salamanca: Pero gusto mo talagang pumunta? Sining Fedeli: Hindi ko alam Gusto ko kaso hindi puwede. Anong magagawa ko? Lycka Salamanca: Gagraduate ka na, last chance mo na lang para maexperience yung totoong saya sa college! Pumunta ka na! Gustong gusto ko talagang pumunta. Ilang foundation party na rin ang hindi ko inattendan dahil ayaw ni papa...pero tama nga

