“Kape.” Napabaling ako ng tingin kay Luke nang marinig ko siyang magsalita. Marahan niyang inilapag ang isang mug na may lamang kape sa lamesa. “Salamat.” nakangiti kong sabi sa kaniya saka muli kong ibinalik ang atensiyon ko sa aking binabasa. May ilang piraso rin ng highlighters sa tabi ko, ginagamit ko iyon para markahan ang mga importanteng idea na nababasa ko. Umupo siya sa tabi ko at marahang dumukwang sa librong hawak ko. Dahil sa ginawa niya at napatitig ako sa kaniya. “B-bakit?” nauutal na tanong ko. Kahit na sabihing gusto namin ang isa’t isa, hindi pa rin ako komportable na magkalapit kami ngayon. Nang maramdaman kong umiinit ang aking pisngi ay napayuko ako. “Sabado bukas ah, bakit nag-aaral ka ngayon?” “Gusto ko lang mag-advance reading.” sagot ko naman habang nanatili

