CHAPTER 19 Katulad ng mga nagdaang gabi ay marami pa ring tao kahit hatinggabi na, hanggang ala-una lang sila ngunit parang ayaw pa ring magsiuwi ang mga ito. “Wala pa ba silang balak umuwi?” nakasimangot na tanong ni Jacque na katulad niya’y naiirita na rin sa dami ng tao. “Pauwiin na muna kaya natin ang banda? Dahil lang diyan kaya ayaw pang magsialis ang mga iyan. Akala mo ngayon lang nakakita ng isang grupo ng kalalakihan na kumakanta,” sabi niya sa mahinang boses. “Tama, kasalanan talaga iyan ng bandang iyan,” sang-ayon naman ni Jacque na sinamaan pa ng tingin ang apat na lalaking abala pa rin sa pagtugtog. “Tatlong Ice Cream Latte, Ems,” ani Dave nang makalapit sa kanila. “Samahan mo na rin ng cinammon croissant dalawa at isang cupcake,” dagdag pa nito. Huminga siya ng malalim

